Pokwang, Naging Emosyonal Matapos Tawaging ‘Monggoloid’ ng Basher ang Kanyang Anak

Isa si Pokwang sa mga pinakahinahangaang komedyante sa Kapamilya network. Bukod sa galing niya sa pagpapatawa, mabuti rin ang kalooban ng 50-anyos na comedienne, na laging tumutulong sa mga nangangailangan. Ngunit paminsan-minsan, hindi niya mapigilang maging emosyonal lalo na’t kung pamilya nya na ang usapan.

Isang netizen ang nakatikim ng intense na sermon ni Pokwang matapos nitong laiitin ang anak ng komedyante. Isang troll na gumagamit ng dummy account sa Twitter ang nagsabi na mukhang ‘monggoloid’ ang anak ni Pokwang na si Malia. Hindi naman ito pinalagpas ng komedyante, na agad sinagot ang basher.

Read More: Gwapong Lalaki, Hinangaan Matapos Ipagmalaki ang Kaniyang Plus Sized Girlfriend Dahil sa Rason na Ito

“Ganyan umatake ang mga kampon ni Satanas kapag wala na maisip na pangbato sayo, titirahin ka kung saan ka mahina! Kung mukhang monggoloid ang anak kong walang muwang, ikaw matanda ka na pero mas may utak sayo ang monggoloid na sinasabi mo!” Ito ang galit na galit na pahayag ni Pokwang sa Instagram, kung saan ibinahagi niya ang mensahe ng troll.

Hindi napigilan ng komedyante ang kanyang emosyon dahil sa pang-aalipusta na natanggap ng kanyang anak. Ayon pa dito, alam niyang marahil ay kumikita ang troll sa pamamagitan ng pangba-bash sa social media.

Nagbigay rin si Pokwang ng intense na mensahe para sa pamilyang pinapakain nito gamit ang kinikita niya sa pagiging troll.

“Akala ko ba matatalino mga trolls? I’m sure may anak ka rin na inosente at binubuhay mo sa pagiging troll mo sana mapakain. Sana mapakain mo siya ng maayos sa pang-aalipusta mo sa anak ko na walang malay, at sana mapalaki mo siya na maging isang mabuting mamamayan.”

Sa kabilang banda, maraming netizens ang hindi mapigilang mainis rin sa ginawa ng basher na ito. Karamihan sa kanila ay pinayuhan si Pokwang na wag na itong patulan.

Mayroon ring nag-suggest na maaaring kasuhan ng Kapamilya star ng cyberbullying ang netizen na nagkomento tungkol sa kanyang anak.

Read More: Kilalanin ang Napaka-Gwapong apo at isa sa Tagapagmana ni Willie Revillame na si Elijah

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Pokwang, Naging Emosyonal Matapos Tawaging ‘Monggoloid’ ng Basher ang Kanyang Anak appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments