Lalaki Unang Beses na Nakita ang Mukha ng Kaniyang Pinakasalang Babae at ito ang Naging Reaksyon Niya

Kaya mo bang ikasal sa isang babae na hindi mo pa nakikita ang mukha? Sa unang tingin, mukhang isang malaking pagkakamali ito. Karamihan sa atin, nais nating kilalanin muna ng husto ang isang tao bago natin ito makasama habambuhay. Ngunit para sa lalaking ito, hindi siya nagkamali sa pagpili sa kanyang bride.

Nagkakilala si Mehdi Isa Arathoon at Mubina Mustafa sa University of Toronto. Naging magka-klase sila sa psychology class, at simula noon ay umusbong ang pag-iibigan ng dalawa.

Mahigit apat na taon rin silang naging mag-irog, ngunit kahit minsan ay hindi pa nasisilayan ni Mehdi ang mukha ng kanyang girlfriend.

Read More: Kilalanin ang Panganay na Anak ni Ogie Diaz na Talaga Namang Artistahin sa Ganda!

Sa apat na taon nilang relasyon, nakasuot si Mubina ng hijab, alinsunod sa paniniwala ng kanilang relihiyon. Ngunit sa kabila ng lahat, minahal pa rin ni Mehdi ang kanyang girlfriend. Nakita niya lamang ang mukha nito noong araw ng kanilang kasal.

“On our wedding, my face was not covered. Why? Because the men and women were separated and when my husband had to see my face, we actually went to a private room and that’s when he got to lift my veil,” pahayag ni Mubina sa isang interview, kung saan ipinaliwanag niya kung bakit hindi pa nakikita ni Mehdi ang kanyang mukha.

Ayon naman kay Mehdi, labis siyang nagulat at namangha nang makita ang mukha ng kanyang bride. Hindi niya rin mapigilang maging emosyonal matapos masilayan ang mukha nito sa kauna-unahang pagkakataon.

“When I finally saw her face it was shocking – I didn’t know how to react! My first word was like, ‘Wow!’ I felt a little weird because I’d spent four or five years without seeing her face… I started tearing up. Sweetheart, I fell in love with you for your personality. Your face was just a bonus.”

Read More: Ysabel Ortega, Ipinasilip ang Mala-Resort na Bali-Inspired Dream Home sa La Union!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Lalaki Unang Beses na Nakita ang Mukha ng Kaniyang Pinakasalang Babae at ito ang Naging Reaksyon Niya appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments