Mahilig ka bang Magpuyat? Ito Pala ang Masasamang Epekto Nito sa Iyong Kalusugan!

Karamihan sa atin ay kulang sa tulog. Dahil sa trabaho o di kaya’y panonood sa mga K-drama, napupuyat tayo at nagiging magulo ang ating sleeping patterns. Akala natin ay wala itong epekto, ngunit alam niyo ba na may masamang dulot pala ang pagpupuyat sa ating katawan?

Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat at maayos na tulog sa ating kalusugan. Ayon sa mga eksperto, kung ikaw ay laging kulang sa tulog, maaari kang makaranas ng mga side effects na ito.

1. Mas madalas maaksidente

Ayon sa pag-aaral, kapag puyat ka, naaapektuhan ang iyong reaction time. Sa katunayan, karamihan sa mga aksidente sa daan ay resulta ng pagpikit o pagka-antok ng driver habang nagmamaneho. Kaya naman bago kayo magroad trip o long drive, siguraduhing well-rested at nakatulog ng maayos ang driver niyo.

2. Maaaring magdulot ng health problems

Ang sleep deprivation ay nali-link din sa mga seryosong kondisyon. Kadalasan, ang mga taong kulang sa tulog ay maaaring magkaroon ng heart disease, heart attack, heart failure, irregular heartbeat, high blood pressure, stroke, at diabetes.

3. Maaaring magdulot ng depresyon

Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng mga eksperto ang koneksyon ng sleep deprivation sa depresyon. Ayon sa isang poll, ang mga taong may depresyon ay kadalasang hindi sapat ang tulog, o di kaya nama’y nahihirapang makatulog. Karamihan din sa dumaranas ng depresyon ay mayroong insomnia.

4. Nakakaapekto sa iyong balat

Madalas ka bang namumutla at nagkakaroon ng dark lines sa iyong mata? Marahil ito ay dahilan ng kakulangan ng tulog! Kapag nasanay ang iyong katawan na kulang sa tulog, maaapektuhan rin nito ang kalagayan ng iyong balat.

5. Maaaring makadagdag ng timbang

Ayon sa mga eksperto, ang mga taong kulang sa tulog ay madalas nagkakaroon ng mas intense na appetite. Base sa isang study, ang mga taong six hours pababa lamang ang tulog sa isang araw ay may mas mataas na chance na maging obese o overweight.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Mahilig ka bang Magpuyat? Ito Pala ang Masasamang Epekto Nito sa Iyong Kalusugan! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments