Karamihan sa atin ay lumaki na hindi kumpleto ang ating pamilya. Ngunit kahit pa maayos ang pagpapalaki sa atin, hindi natin mapigilang hanapin ang ating nawawalang magulang. Gaya na lamang ng nangyari sa Pinay na ito, na bata pa lamang ay hindi na niya nakita ang kanyang ama. Ngunit laking gulat na lamang niya nang malaman ang totoong katauhan nito!
Noong May 9, 2020, na-featured ng “Humans of New York” ang nakakamanghang kwento ng isang Pinay na ito. Ibinahagi niya na bata pa lamang siya ay hindi na niya nakilala ang kanyang ama.
Ngunit nagulat na lang siya nang ipagtapat ng kanyang ina na ang tatay niya pala ay isang hari sa Malaysia! Noong una, inakala niyang nagbibiro lamang ito.
Read More: Ito Pala ang Mangyayari sa Kalusugan Mo Kapag Nagsuot ka ng Medyas sa Gabi!
“I’d never met my father. So, I asked my mom if he could come, and she told me: “He’s too busy. He lives in Malaysia. And he’s a king.’ My father was a king? That meant I was a Princess. It made me feel so proud,” ayon sa kanya.
Nang siya ay 14-anyos na, sa kauna-unahang pagkakataon ay nakilala niya ang kanyang ama, na si Sultan Ahmad Shah. Sa isang magarbong hotel sa London sila nagkita ng kanyang ama. Nag-offer rin ng tulong ang kanyang ama sa pagpapa-aral sa kanya, ngunit tumanggi di umano ito na i-acknowledge ang kanyang paternity sa papel.
Gayunpaman, natuwa pa rin siyang malaman na hindi siya nakalimutan ng kanyang tatay. Ilang beses ulit silang nagkita, at nagpapasalamat siya dahil nagkaroon sila ng isang picture ng kanyang ama. Kahit pa hindi sila matagal na nagkasama, masaya naman siya na makilala ang ama niya at magkaroon ng souvenir ng kanilang pagkikita.
“We did meet twice again. Each time in London. Each time for an hour. But I was never brought into the family. I was never fully acknowledged. Thankfully, before we left that first lunch, my mother did make one last request. She insisted that I take a photo with my father.”
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
The post Nagbago ang Buhay ng Pinay na Ito Matapos Madiskubreng Hari Pala ng Malaysia ang Kanyang Ama! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments