Inakala Nilang Basura Lamang ang mga Lumulutang na Ito, Ngunit Nagulat Sila Nang Bigla Silang Palibutan Nito!

Talagang nakakamangha ang ating mga karagatan. Marami pa tayong hindi nadidiskubre tungkol sa mga yamang-dagat na tinatago nito. Sabik ka rin bang malaman ang mga misteryo na itinatago ng karagatan? Paminsan-minsan, nasasaksihan natin ang mga pangyayaring ito, at talagang halos di tayo makapaniwala sa nakikita ng ating mata!

Gaya na lamang ng nasaksihan ng isang freediver na ito! Noong una, inakala lamang nila na basura ang mga nakalutang sa dagat.

Ngunit maya’t-maya pa, napansin ni Gary Larter at ng mga kaibigan nito na tila ba gumagalaw ang mga ito. Dito lamang nila napagtanto na hindi pala basura, kundi libo-libong stingrays ang nakapalibot sa kanila!

Read More: Delivery Riders, Nagulat sa Pagtrato sa Kanila ni Super Tekla at Donita Nose Matapos Nilang Gawin Ito

Ayon sa report ng Tripzilla, si Gary Larter at ang kaibigan nitong si Rory Moore ay parehong mahilig mag-explore sa dagat upang mag-document ng iba’t-ibang marine life. Noong araw na iyon, hindi nila inaasahan na papalarin sila matapos masaksihan ang ray migration na ito sa Baja, California.

Sa unang tingin, tila dahon o saranggola lamang ang mga ito sa ilalim ng tubig! Napapaliputan din nila ang banggang sinasakyan ni Gary at Roy. Ang mga rays na ito ay cownose rays, at taon-taon ay nagkakaroon sila ng migration upang lumipat mula sa Yucatan peninsula ng Mexico patunong Florida.

Dahil napaka-rare na makita ang ray migration, hindi pinalagpas ng magkaibigan ang pagkakataong ito upang makalapit! Nag-dive pa mismo si Gary, habang si Roy naman ay nanatili sa taas upang kumuha ng mga larawan. Talagang mapapamangha kayo kung gaano karaming cownose rays ang makikita sa mga larawang ito.

Ayon sa mga eksperto, nagma-migrate ang mga rays dahil sa seasonal changes na nangyayari sa tubig. Kadalasan, libo-libong kilometro ang kanilang nilalangoy para lang makarating sa kanilang patutunguhan.

Read Also: Miss Myanmar, Maaaring Makulong Matapos Bumalik sa Kanyang Bansa Mula sa Miss Universe Pageant Dahil sa Ginawa Niya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Inakala Nilang Basura Lamang ang mga Lumulutang na Ito, Ngunit Nagulat Sila Nang Bigla Silang Palibutan Nito! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments