Naranasan mo na rin bang ma-bully? Karamihan sa mga kabataan ngayon ay naranasan ng makutya ng ibang tao. Lalo na sa mga teenagers, kung saan laganap ang bullying sa school. Ngunit imbes na magmukmok, may mga taong ginagamit ang mga napagdaanan nila upang mas pagbutihin ang kanilang sarili sa hinaharap.
Isa na sa kanila ay ang binatang ito mula sa Virginia, United States. Habang lumalaki siya, hindi naging maganda ang pagkabata ni Austin Shifflett.
Noong teenager siya, madalas siyang nabu-bully ng kanyang ka-schoolmates dahil sa kanyang timbang. Noong mga araw na iyon ay aminado si Austin na overweight siya.

Read More: 70-Anyos na Lola, Ibinuking ang Simpleng Sikreto Niya Upang Mapanatili ang Kanyang Fit na Katawan
Dahil dito, naging tampulan siya ng tukso. Tuwing lunch, lagi siyang inaasar at pinagtatawanan ng kanyang mga kaklase dahil sa kanyang timbang.
Dumating sa punto na lumalaban rin siya dahil hindi na niya kaya ang pang-aalipusta ng mga ito, at muntik pa raw siyang masuspend mula sa kanilang school.
“I remember getting picked on a lot. If I was in the lunch line, they would make comments about what was on my tray. They would give me a referral for in-school suspension. I would rip up the referral and throw it in the trash,” pahayag ni Austin sa kanyang interview.

Simula noong trese anyos siya, napagdesisyunan ni Austin na magdiet upang mabawasan ang kanyang timbang. Natatakot rin siya para sa kanyang kalusugan, kaya naman nagpursigi siya na baguhin ang kanyang sarili. Sa tulong ng striktong diet at exercise, unti unti rin niyang nakamit ang kanyang weight goal!
Ngayon, talagang hindi na makikilala si Austin. Sa isang taon lang, mahigit 166 pounds ang ibinaba ng timbang niya. Maging siya rin ay nagulat sa bilis ng kanyang progress. Ayon ka Austin, walang imposibleng mangyari lalo pa’t kung sasamahan mo g sipag at tiyaga.
“When you feel like you can’t do it anymore, you need to find that strength to just do it. I see people 40 years and older working out at the gym. I have no excuse! If I can just help one person get to where I have gotten, that’ll be successful for me.”


Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
The post Lalaking Na-Bully sa High School Dahil sa Kanyang Timbang, Pinahanga ang mga Bully Niya sa Bago Niyang Itsura Ngayon! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments