Aljur Abrenica, Sa Wakas Ay Inamin Na Sa Publiko Ang Problema Nila Ng Asawang Si Kylie Padilla

Nitong nakaraan lang ay umamin si Aljur Abrenica na dumaan sa matinding pagsubok ang pagsasama nila ni Kylie Padilla.

Kung matatandaan ay naging laman ng entertainment websites at bulong-bulungan na ang mag-asawang Aljur and Kylie noong Pebrero ng kasalukuyang taon ay hiwalay na, kung saan ang mga post ni Kylie sa kaniyang Instagram account ay ang pinagmulan ng mga haka-haka. Bukod dito, ang pagbubura ni Kylie ng mga larawan nilang mag-asawa ang lalong nakapag painit sa usaping hiwalay na ang dalawa.

Matatandaan rin na noong taong 2020 ay naisalarawan ni Kylie na ang relasyon nila ni Aljur sa taong ‘yon bilang ‘toxic’.

“Nung start pa lang ng relationship namin, medyo hindi siya maganda,” ani ni Kylie sa YouTube vlog nila ni Aljur na in-upload noong September 4, 2020.

“Hindi siya naging maganda. Strict kasi yung tatay ko. Ayaw pa niyang magka-boyfriend ako.

“’Tapos noon, nung malaman nila na I was seeing someone, yun na, nagkagulo na.”

Hindi sinabi ni Kylie kung ano ang gulo na tinutukoy niya. Matatandaang ang mag-asawa ay dumaan muna sa on and off na relasyon noon. Ngunit matapos dumaan sa on and off at magkabalikan ulit, ang pagsasamahan ng dalawa ay mas maraming pinagdaanang pagsubok.

Samantala, ang pag-aalala at haka-haka ng marami na hiwalay na ang dalawa ay natapos ng makita ng mga taga suporta ang post ni Aljur na larawan ng asawa bilang tribute sa pagdiriwang sa International Women’s Monthna may caption na, “Many faces of our Queen (heart emoji) #internationalwomensday” habang suot ang kanilang wedding ring.

Ang naturang post sa Instagam ay tila pagpapakita na kahit anong pagsubok ang dumating sa dalawa ay maaayos nila ito.

Hindi na nagbigay ng pahayag ang mag-asawa tungkol sa isyu. Ngunit ng tanungin si Aljur sa naging problema nilang mag-asawa ng ganapin ang story conference para sa bagong pelikula niya, naging makahulugan ang sagot nito.

“It was mismanaged.” dagdag niya.

“Ang masasabi ko, lahat tayo may pinagdadaanan. Nagkaproblema kaming dalawa at na-mismanaged namin.”

Kalaunan ay nilinaw ng actor na maayos na ang kanilang pagsasamahan at hindi na binigyan pa ng elaborasyon.

Ang bawat relasyon ay dumadaan sa matinding pagsubok, mapa simpleng tao o celebrity man. Nawa’y ang mga pagsubok na ito ang magpatibay sa pagsasama ng bawat isa.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Aljur Abrenica, Sa Wakas Ay Inamin Na Sa Publiko Ang Problema Nila Ng Asawang Si Kylie Padilla appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments