Kahit ano ay gagawin ng mga magulang para sa kanilang anak. Handa silang kumayod araw at gabi para lamang maibigay ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Kaya kahit mahirap ang buhay, tuloy-tuloy ang ating mga magulang sa paghahanapbuhay. Kagaya na lamang ng tatay na ito na nagpaantig sa puso ng mga netizens.
Isang cashier sa ukay-ukay ang nagbahagi ng nakaka-inspire na kwentong ito sa social media. Ayon sa cashier, isang araw ay may nagpuntang mag-ama sa kanilang store. Mukhang excited na excited daw ang anak na lalaki para mabili ang sapatos na matagal na niyang natipuhan.

Read More: Tim Sawyer, Pinaghahanap na ng mga Otoridad Dahil sa Kasong Isinampa sa Kanya ni China Roces
“Pasikatin natin itong si tatay, binili nya ng sapatos yung anak nya na ilang taon nyang pinag ipunan sa alkansya, habang binibilang nya yung mga barya sa counter bakas sa mukha ni tatay ang saya at ngiti dahil nabili nya yung pinaka inaasam ng kanyang anak na sapatos,” pahayag ng cashier.
Labis raw siyang naantig matapos makitang pinag-ipunan talaga ng ama ang pambili ng sapatos ng kanyang anak. Sa katunayan, galing pa daw sa alkansya nito ang ipinangbayad sa sapatos ng anak. Mababakas rin sa mukha ni tatay na labis ang tuwa niya dahil naibibigay niya ang nais ng kanyang anak na lalaki.

Dagdag pa ng cashier, sinabi rin daw ng Tatay na lahat ay gagawin niya mapasaya lamang ang kanyang anak. Dahil dito, naisipan ng cashier na ibahagi ang kwento nila sa social media upang ma-inspire rin ang mga netizens sa pagmamahal ng ama na ito sa kanyang anak.
“Hangga’t nabubuhay daw siya ay gagawin niya lahat para mapasaya ang kanyang mga anak at itataguyod sa marangal na paraan. Wow! Dakila ka tatay, saludo kami sayo. Nawa’y marami pang blessings ang dumating sa buhay mo.”
Read Also: Naaalala Niyo pa ba ang Dating Child Star na si Ella Guevara? Ito na Pala ang Buhay Niya Ngayon!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
The post Matandang Lalaki, Matyagang Inipon ang Barya Barya Niya Para Lamang Mabilihan ng Sapatos ang Anak Niya appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments