Dahil Sa Sobrang Selos, GF, Pinalagyan ng Ganito Ang Likod Upuan Ng Motorsiklo ng BF!

Kadalasan, isa sa mga punot dulo kung bakit naghihiwalay ang mga magkasintahan ay ang pagkakaroon ng kalaguyo, kalandian or third party ng isa sa kanila habang nasa relasyon. Marami ang nasisirang relasyon dahil sa pagkakaroon ng ibang babae o lalake na kung saan ang pagpasok sa relasyon ng iba ay kailan ma’y hindi magiging tama.

Ang pagkakaroon ng ibang karelasyon o kalaguyo ay karaniwang nangyayari sa mga lalaki. na kung saan tila ba sa kanilang palagay ay mas nakakaangat o lumalakas ang dating sa ibang babae, isama pa ang pagkakaroon nila ng motorsiklo.

Dahil sa mga insidenteng marami ang pumapasok sa relasyon ng iba, naisip ng isang lalake na palagyan ng pako ang likuran ng kanyang motorsiklo upang hindi magkaproblema sa kanyang nobyang selosa at hindi na ito mag-isip na may kalaguyo siyang iba.

Subalit, dahil sa pagkakaroon ng mga pako sa likuran ng motorsiklo ng kanyang nobyo, ang babae ay nahirapang humanap ng komportableng upuan dahil hindi naman siya makakaupo sa likuran.

Ang larawan ng magnobyo ay nag-viral at umani ng katatawanan sa mga netizens. Ang mag nobyo ay nagnangalang Khoirul Anam (lalaki) at Intan Shinta (babae) na nakatira sa Magelang, Indonesia.

Sa relasyon, hindi lamang basta mahal mo at masaya ka sa iyong kasintahan, dapat alam mo kung paano siya pagkatiwalaan at tanggapin ng buo. Tiwala sa isa’t-isa ang pundasyon ng isang relasyon. Ang pagkakaroon ng tiwala ang pinakamagandang katangian sa isang relasyon. Kapag wala ito ay wala rin ang matibay na pundasyon sa pagmamahalan.

Ang pagkawala ng tiwala sa iyong nobyo/nobya ay maaaring magbunga upang kwestyunin ang galaw ng bawat isa, dito papasok ang paghihinala, na maaaring mag-ungat sa mas malalang problema na makakasakit sa damdamin ng iyong partner

Isa pa rito ay dapat isaalang-alang ng magkarelasyon ang mga bagay na makakaganda upang mag-usbong at umunlad ang isa’-isa. Hindi lamang para sa ikabubuti ng sarili kundi sa ikabubuti niyong dalawa.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Dahil Sa Sobrang Selos, GF, Pinalagyan ng Ganito Ang Likod Upuan Ng Motorsiklo ng BF! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments