Mahilig ka rin bang magsuot ng medyas tuwing natutulog? Karamihan sa atin ay mas komportable na mayroong suot na medyas sa gabi. Ngunit bukod sa comfort, alam niyo bang maganda rin ito para sa inyong kalusugan? Ayon sa mga sleep experts, maraming magagandang maidudulot ang pagsuot ng medyas tuwing matutulog ka.
Kung gusto mong magkaroon ng mas maayos na tulog sa gabi, magsuot ka ng medyas! Ayon sa mga eksperto, maaaring mag-improve ang iyong kalusugan sa simpleng practice na ito.
1. Maayos na circulation
Tuwing nakasuot tayo ng medyas, tumataas rin ang blood flow sa ating paa. Kaya naman sa gabi, maaaring mag improve ang iyong circulation kapag nakasuot ka ng medyas. Ang magandang circulation ay maaari ring magresulta sa maayos na blood at oxygen flow sa iyong katawan.
2. Thermoregulation
Ang thermoregulation ay paraan kung paano napapanatili ng ating katawan ang ating temperatura. Kaya naman kahit pabago-bago ang panahon ng ating kapaligiran, name-maintain pa rin ng ating katawan ang core temperature natin. Ang pagsusuot ng medyas sa pagtulog ay nakakatulong rin sa prosesong ito.
3. Maaaring makaiwas sa Raynaud’s attack
Ang Raynaud’s attack ay nangyayari kapag nanlalamig ang iyong daliri sa kamay at paa. Kapag nangyari ito, maaaring maging numb ang inyong mga daliri. Kaya naman pinapayuhan ng mga eksperto ang pagsusuot ng medyas upang malunasan ito.
4. Maaaring makaiwas sa hot flushes
Para sa mga babaeng malapit na mag-menopause, nakakaranas sila ng hot flushes dahil sa pabago bago nilang hormones. Mahirap rin makatulog dahil dito, ngunit upang maiwasan ito, maaari kang magsuot ng medyas. Tutulungan nitong mag-dilate ang iyong mga blood vessels upang mas mabilis na mag cooldown ang iyong katawan.
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
The post Ito Pala ang Mangyayari sa Kalusugan Mo Kapag Nagsuot ka ng Medyas sa Gabi! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments