Hindi inaasahan ng netizens ang rebelasyon ng dating beauty queen na si Venus Raj ang dahilan kung bakit niya napag desisyunang burahin ang lahat ng mga larawan niyang halos hubad at mga litrato kung saan naka bikini lamang siya.
Bukod pa rito ay inamin din ang parehas na rason kung bakit hindi na rin siya nag susuot ng mga ito, kahit sa kaniyang mga bakasyon.
Ayon sa kaniya, nag simula ang pagbabago ng kaniyang lifestyle noong mas napalapit siya sa Panginoon.
Pero paglilinaw ng Miss Universe 2010 4th runner-up, “Hindi siya limitation just because I don’t wanna do it.
“You know, I’m getting old. I’ve matured, I’m turning thirty.
“Hindi siya limitations just because I want limitations.
“It’s because I’m getting mature and I’m having convictions, yun yung pinapangatawanan ko.” saad niya.
Para kay Venus, ang kaniyang desisyon na mas maging balot sa kaniyang pananamit ay hindi impluwensya ng kaniyang pananampalataya, kung hindi desisyon upang mas maging komportable siya sa kaniyang sariling katawan.
“Anything that I feel not biblical, it’s conviction.
“Hindi na rin kagandahan yung katawan ko, hindi na ako nagsu-swimsuit.
“Nakakahiya, baka masuka kayo.”
Saad pa ng beauty queen-TV host sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m happy and in love every day.
“Wala akong suitor, I am just really content with my relationship with the Lord every day.
“Bakit wala? I am just waiting, I am not pursuing.”
Dagdag pa ng Umagang Kay Ganda host, “So, if there’s no one pursuing me, I can’t do anything about that.
“But even if you’re waiting, you should wait expectantly.
“Mag-ayos ka, magsuklay ka, magpaganda ka naman kahit papaano.”
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post “Baka Masuka Kayo” Venus Raj, Ibinunyag Ang Dahilan Bakit Hindi Na Siya Nagsusuot Ng Bikini Na Ikinagulat Ng Fans appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments