Kadalasan, sa dalawang magkapatid, laging napagkakamalan na mas bata ang panganay. Maraming tao ang inaakalang ang bunso ang mas matanda, marahil ay dahil na rin sa height o di kaya’t matured na itsura. Nangyayari rin ba ito sa inyong pamilya? Maging ang celebrity siblings na sina Anne at Jasmine Curtis ay hindi nakaligtas dito!
Kabilang sina Anne at Jasmin sa mga pinakasikat na celebrity siblings sa industriya ng showbiz. Mas matanda si Anne ng ilang taon kay Jasmine, at mas batikan rin siya sa larangan ng pag-arte. Gayunpaman, hindi naman nagpapahuli si Jasmine, na ilang beses na ring bumida sa mga pelikula at programa.
Siyam na taon rin ang age gap sa pagitan ni Anne, na 36-anyos na ngayon, at Jasmine, na 27-anyos. Ngunit sa kabila ng kanilang halos isang dekada na age gap, maniniwala ba kayong napagkakamalan pang mas matanda si Jasmine kay sa kay Anne? Sa katunayan, kamakailan lang ay nag-react si Jasmine tungkol dito!
Nitong nakaraan lamang ay nagbahagi si Jasmine ng TikTok video kung saan may nagtanong sa kanyang netizen kung siya ba ang nanay ni Anne: “Diba po anak niyo si Ms. Anne Curtis?” Nagkaroon naman ng nakakatawang reaksyon si Jasmine dito.
Nagpanggap na naiiyak pa sa sobrang tawa si Jasmine, habang sinasabi na: “10 years akong mas bata sa kanya.” Sa kabilang banda, maraming netizens rin ang talagang natawa dahil sa kakaibang reaksyon ni Jasmine.
Dagdag pa ni Jasmine, sanay na siyang mapagkamalan na ate ni Anne. Sa kabila ng kanilang age gap, ito daw ang unang beses na napagkamalan siyang nanay ng kanyang ate, kaya naman natatawa siya.
Read Also: Rider na Nasemplang at Nahulog Umano sa Kanal Pinaiyak ang Kaniyang Nobya Matapos Gawin ito
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
The post Jasmine Curtis, Nag-React sa Netizen na Pinagkamalan Siyang Nanay ni Anne Curtis! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments