Hindi napigilang maluha ng ina ni Jon Gutierrez o mas kilala bilang King Badger ng minsang kinausap niya ito para komprontahin dahil sa mga akusasyong pang loloko sa asawa niyang si Jelai Andres.
Naka base sa United Kingdom ang ina ni Jon kung kaya naman sa video call lamang sila nag uusap. Agad namang nagpakita ng hindi pag sang ayon ito dahil sa mga kumakalat na balita na muli na namang nakipag apid ang singer sa ibang babae.
“Mali yang ginawa mo. Kahit hindi mo sabihin sa akin nag lahat, pero nanak!t ka ng tao.” ani nitto.
Hindi naman alam ng ina ni Jon na nakarecord pala ang usapan nila, kung kaya naman todo ang pagalit niya rito.
“Gusto mo mag-asawa, gusto mo gumawa ng sarili mong pamilya pero ikaw din ang sumisira.”
Sa kalagitnaan ng call ay hindi na rin napigilan ni Jon na maiyak.
Samantala, binigyang linaw naman ni Jelai sa kaniyang vlog na wala na siyang balak balikan ang asawa dahil sa mga pinag gagagawa nito.
“Pinagbigyan ko si King Badger. Nagkabalikan talaga kami. Na-excite pa nga akong i-reveal yun.
“Nagkahiwalay lang kami ng bahay, pero mag-asawa pa rin kami kasi kinasal kami, di ba? Pero alam niyo naman na inaayos namin yun.
“‘Tapos nung lock-in taping, nagkabalikan kami. Nagbigay ako ng chance.
“Pero hindi pa rin nag-work kasi nalaman natin ‘to. May mga lumabas na mga ano…”
Dagdag pa niya, “Marami nagsasabi sa akin na kapag nagpapatawad ka raw, mas nagiging masaya yung life mo.
“Kaya wala akong ginagawa kundi magpatawad nang magpatawad.
“Pero minsan sumasagad naman. Hindi naman pwedeng nagpatawad ako ‘tapos siya, patuwad nang patuwad. Iba naman yun.”
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Ina ni Jon Gutierrez, Naiyak na Lamang Habang Sinasabi ang mga Bagay na ito sa Anak appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments