Kilalanin ang Napaka Talentadong Anak ni Dagul na Kagaya rin Niyang may Dwarfism

Kilalanin ang isa sa mga anak ng komedyante at aktor na si Dagul, na katulad din niyang biniyayaan ng kakaibang talento sa larangan ng pag eentertaiin.

Si Dagul ay kilala bilang mainstay sa ABS CBN kiddie show Goin Bulilit, kung saan sumikat siya at minahal ng mga bata.

At dahil sa kaniyang medikal na kondisyon na kung tawagin ang dwarfism, naging dahilan lamang ito upang maging mas patok siya sa mga bata.

Ayon sa mayoclinic.org, ang dwarfism ay isang “short stature that results from a genetic or medical condition. Dwarfism is generally defined as an adult height of 4 feet 10 inches (147 centimeters) or less. The average adult height among people with dwarfism is 4 feet (122 cm). Many different medical conditions cause dwarfism.”

Ngunit kahit maliit siya ay hindi ito naging hadlang upang mapansin siya ng mga tao, gaya na lamang ng kaniyang anak na si Jkhriez Pastrana.

Labing pitong taong gulang na is Jkhriez, at minana niya rina ng kondisyon ng kaniyang ama.

Ikinasal si Dagul sa isang non-showbiz na ginang at biniyayaan sila ng apat na anak. Sa kanila ay tanging si Jkhriez lamang ang nagkaroon ng dwarfism.

Ngunit kahit ganoon ay ni minsan ay hindi tiningnan ng dalaga ang kaniyang kapansanan bilang balakid sa pagtupad ng kaniyang mga pangarap.

Sa katanuyan ay sumali pa siya ng ABS CBN talent show na Star Hunt kung saan ipinamalas niya ang kaniyang galing sa pag kanta at pag papatawa.

Ngunit aminado pa rin siya na hindi siya ligtas sa mga pangutngutya at pang bubully ng iilan sa kaniyang pang labas na kaanyuan.

Bahagi ng kaniyang panayam ay inamin ni Jkhriez, “Pag nakita daw nila or nakaaway nila ako hindi daw ako makakalaban kasi isang sipa lang naman daw nila sa akin, tutumba na ako. So naisip ko, hindi ba nila nage-gets yung sitwasyon ko.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Kilalanin ang Napaka Talentadong Anak ni Dagul na Kagaya rin Niyang may Dwarfism appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments