Kilalanin ang dalagang si Arlene E. Alex, ang dtaing pulubi at taga sisid ng barya sa pier na ngayon ay isang guro na.
Katulad ng maraming bata na mulat sa kahirapan ay maagang natuto kumayod si Arlene.
Natuto siyang mamalimos ng barya sa kalye upang magkaroon ng pangkain at may maibigay sa kaniyang mga magulang.
Unti-unti rin natuto si Arlene kung paano maghanap ng pera sa dagat, at isa ito sa mga naging inspirasyon niya upang ipagpatuloy ang kaniyang pag sisikap na makapag tapos mag aral.
SInikap niyang makapag kolehiyo kahit lubos na hikahos sila sa buhay, at sa pagtungtong niya ng 28 taong gulang ay naging isang ganap na guro na rin ang dilag!
Likas na mapagahal at mahilig sa bata si Arlene kung kaya naman madali para sa kaniyang mahalin nang husto ang kaniyang propesyon.
Bilang isang bata na nanggaling sa hirap, layunin ni Arlene na iahon din ang mga batang tinuturuan niya sa hirap gamit ang edukasyon.
Kung kaya naman hindi nakapag tataka na desidido at pursigido siyang magturo, dahiilan upang maging paborito siya ng kaniyang mga estudyante.
At hindi lang Bachelor’s degree ang mayroon siya dahil natapos na rin ni Arlene ang kaniyang Master’s degree!
Ibinibigay ng dilag ang kaniyang serbisyo sa mga batang nangangailangan ng aruga upang sila maturuan nang mahusay, ito ang mga batang nag-aaral ng IPED at mga batang badjao.
Nag viral din ang kaniyang graduation photo matapos niyang ibahagi ang kaniyang makulay na buhay sa social media.
“Piliin mong magpatuloy kahit na pakiramdam mo ay hindi mo na kaya,makikita mo ang tamis ng paghihirap sa tamang kapanahunan”.” ayon sa kaniyang caption.
At dahil sa kaniyang naging dedikasyon at narating sa buhay ay ginawaran siya ng pangaral ng “3rd Natatanging Batangueño 2021” ng Rotary Club Batangas.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Isang Dating Pulubi at Maninisid ng Barya sa Pier, Isa Nang Hinahangaang Guro Ngayon. Paano? appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments