Minsan ka na rin bang nagkaroon ng ganitong isyu sa iyong rice cooker?
Isang netizen ang viral ngayon sa social media matapos niyang ibahagi ang kaniyang kakaibang karanasan sa kaniyang rice cooker, na mayroon di umanong kakaibang amoy sa tuwing siya ay nagsasaing.
Sa una ay hindi pa niya pinapansin ang kaniyang mga naamoy dahil maaring dala lamang ito ng tutong, o hindi naman kaya ng mga wire na ang ooverheat sa tuwing nakasaksak ito.
Ngunit katagalan ay mas palala nang palala hindi umano ang nagiging amoy nito, kung kaya naman napag desisyunan na niyang buksan ang kaniyang appliance upang sa wakas ay makita kung ano nga ang kababalghang nangyayari sa loob nito.
At laking gulat na lamang niya noong nakita niya ang kumpol ng mga sunog na butiki sa loob mismo ng rice cooker!
Aniya, hindi talaga niya inaaasahan na iyon ang makikita niya, gayong palaisipan din sa kaniya kung paano sila nakakapasok sa loob.
Ngunit hindi lang isa, kung hindi napaka raming sunog na butiki ang kaniyang natagpuan sa loob.
Hindi naman siya makapaniwala sa kaniyang nasaksihan, kung kaya minabuti na niyang ibahagi sa social media upang malaman kung may ibang mga kagaya pa niya ang nagkaroon ng ganitong klaseng kakaibang sitwasyon.
Narito naman ang komento ng ilang mga netizens:
“aya mas gusto ko magsaing sa kaldero eh. Ayokong-ayoko pamandin ng butiki buhay man o lalo na kung bangkay na! Yiiiieeessshhhh!!!! ”
“sabi kona butiki dko pa na papanood ng buo ang vedio alm kuna kung anu lman sa ilalim ng rice cooker ng yari din kasi yan saakin”
“Ganon din ang nangyari sa rice cooker nmin…”
“Oo ganyan di samin pag tanggal namin bugwit nmn na daga buto na lng at balat na lng na tira. ”
“Ganyan din po samin pero nung mismong araw na rin na un na kakaiba ang amoy pinabuksan ko na sa asawa ko.”
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Dahil Sa Kakaibang Amoy Ng Rice Cooker Tuwing Nagluluto ay Natuklasan Nila Ang Nakakagulat Na Rason Matapos Nilang Buksan Ito appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments