Ilang buwan na ang nakalilipas simula nang i-welcome ng celebrity couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia ang kanilang first baby. September 11, 2020 nang isilang ng aktres ang kanilang healthy baby boy na si Baby Amari. Talagang napakabilis ng panahon, dahil ilang buwan na lang ay magse-celebrate na si Baby Amari ng kanyang 1st birthday.
Sa kanyang vlog, nag-open up rin si Coleen tungkol sa kanyang karanasan bilang first-time mother. Ayon sa aktres, hindi niya inaasahan na labis siyang magbabago matapos isilang si Baby Amari. Tuwang-tuwa rin daw siya sa special connection nilang dalawa.
“I hope that other moms would feel that they are not alone. It’s only been seven months, but I feel like I’ve grown and been stretched in many different ways. Never have I ever felt so weak and so strong at the same time. The connection is so special, and the most amazing thing ever,” pahayag ni Coleen tungkol sa kanyang motherhood journey.
Ngunit sa kabila ng kasiyahan ng pagiging ina, aminado rin si Coleen na dumaranas siya ng postpartum anxiety. Ayon sa aktres, alam niyang maraming nanay rin ang nakakaranas nito matapos manganak. Nais rin niyang magbigay ng positibong mensahe para sa mga nanay na nakakaranas nito.
“I wouldn’t say I had postpartum depression, but there is something that nobody talked to me about, and I only realized what it was in one of my mom groups when somebody opened up about it way after I gave birth, and that is postpartum anxiety,” pahayag ni Coleen.
Dagdag pa ni Coleen, malaking tulong ang magagawa ng pagkakaroon ng strong support system. Kahit pa hindi nila madalas makasama ang kanilang extended family, malaki naman ang pasasalamat ni Coleen dahil supportive ang kanyang asawang si Billy.
Read More: Dating Batikan na Aktor Ginulat ang mga Fans Matapos ang Biglaang Pagkawala
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
The post Coleen Garcia, Inaming Mayroon Siyang Matinding Sakit na Pinagdadaanan Ngayon na Hindi Alam ng Marami appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments