Andrea Brillantes, Hindi Napigilang Umiyak Sa Hiya Dahil Sa Video Niya Na Napanuod Ng Libu-libong netizens

Hindi napigilang maiyak ng young actress na si Andrea Brillantes matapos niya ipahayag ang kaniyang hiya s aisnag video niya na kumalat sa social media at napanuod pa ng libu-libong netizens.

Sa kaniyang Instagram account, nagbigay despensa ang aktres tungkol sa kaniyang karanasan sa unang beses ng pagla livestream ng paglalaro ng Mobile Legends dahil aminado siyang hindi umano maganda ito.

Ngunit sa kabila noon ay 400,000 ang views ng kanyang livestream, at lubhang na overwhelm ang Kapamilya actress sa suportang natanggap mula sa kaniyang mga fans.

Ayon sa kaniya, hindi niya mapigilang hindi mag isip at maapektuhan dahil alam niyang hindi niya nabigyan ng magandang content ang kaniyang mga taga suporta.

“Gusto ko sabihin na nahihiya ako ng sobra pero thank you sa mga nanood, pero nahihiya ako ng sobra kasi hindi ako player tas lag pa ako.” ani Andrea.

“Siguro pinagtatawanan na nila ako, sinasabi na nila na bakit ba ako naglaro, buti na lang artista ka.” dagdag niya pa.

Alam din niyang hindi siya ganoon kagalingan sa paglalaro, na nakakadagdag rin ng pressure habang siya ay nagla liive stream.

“Kaya ako umiyak kasi sobra akong nahihiya na yun yung napanood niyo kasi hindi talaga ako magaling, alam ko naman yun. Feeling ko lang pinagtatawanan ako ng mga tao kasi iba yung ways ng paglalaro ko, pang-feed lang ako.” kwento niya pa.

Sa huli ay nagpasalamat pa rin ang bida ng Huwang Kang Mangamba sa lahat ng mga taong nagbigay ng oras upang iparamdam ang pagmamahal sa kaniya.

Nangako rin siya na pagbubutihan na niya sa susunod upang masigurado na maaliw ang kaniyang mga manunuod sa kaniyang mga livestream.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Andrea Brillantes, Hindi Napigilang Umiyak Sa Hiya Dahil Sa Video Niya Na Napanuod Ng Libu-libong netizens appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments