Totoo nga ba ang kasabihang “Blood is thicker than Water?”
Maraming netizens ang nalungkot, nabighani, naantig at humanga sa litrato sa facebook ng isang pamilyang naglalakad patungo sa kanilang destinasyon. Ang pamilyang ito ay binubuo ng nanay, tatay at ang kanilang nag-iisang anak.
Hindi lang basta ang pamilyang ito dahil ang nanay at tatay ay parehong bulag, ang kanilang anak lamang ang nagsisislbing tanglaw sa kanilang madilim na daanan. Sa kabila ng murang edad, makikita sa litrato ang masayang mukha ng bata na tila hindi iniinda ang sitwasyong kaniang kinalalagyan.
Narito ang komento ng mga netizens na naintig sa litrato ng pamilya.
“Kahit na sila ay bulag sa anumang dahilan, sa tingin ko sila ay swerte sa kadahilanang mayroon silang Mabuting anak.”
“Umiyak ako ng makita ang sitwasyon ng pamilya, sa murang edad, ang batang ito ay ginagabayan ang kanyang magulang na bulag papunta sa kanilang destinasyon, Ito dapat tinutulungan ng gobyerno natin lalo na sa ayuda who really needs help”
‘Nadurog ang puso ko! Lord tulungan mo sila sa pamamagitan ng ibang tao. Lalong-lalo na sa kinabukasan ng batang lalaki.”
Sa kabila ng maraming naantig sa pamilya, marami rin kwestyon ang nabuo sa isipan ng mga tao.
“Selfish ang mga magulang ng bata! Pareho nilang alam na hindi nila maalagaan ng ayos ang kanilang anak pero nagpatuloy pa rin silang gumawa ng isa, kaawa-awang bata.”
“Nakatali sa kanila anak nila para ‘di ito makalayo sa kanila. Ginawa ko din yan sa anak ko nang mamasyal kami sa isang amusement park. Yung ibang bata nag iiyakan kasi nawawala raw nanay nila.”
Halo-halong opinyon ang nabuo sa mga netizens. Sa kabila ng mga positibo at negatibong komento na natanggap muna sa mga tao, mapapatunayan pa rin na blood is thicker than water sa kadahilanang sa kakulangan ng kanyang magulang, nanatili at hindi lumayo ang bata sa piling ng kanyang mga magulang.
Tunay na hindi matutularan ang pagmamahal ng mga pilipino sa pamilya, na gaano man kahirap na pagsubok ang dumating ay mananatilig matatag at sama-samang haharapin ang mga ito.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Isang Anak na Nakatali sa Kaniyang mga Magulang, Nagpaluha ng Netizens Matapos Malaman ang Tunay na Storya Nila appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments