Security Guard, Nagtitiis sa Ulam na Bawang at Sibuyas Dahil sa Hirap ng Buhay Ngayon

Hindi madali ang trabaho ng mga security guard. Sa kalagitnaan ng pandemic, tinataya nila ang kanilang kaligtasan para lamang kumita ng pera. Ngunit sa kabila ng kanilang buwis-buhay na trabaho, nakakalungkot isipin na hindi nasusuklian ang sakripisyo ng mga security guard. Kadalasan ring maliit lamang ang sinasahod nila.

Ngunit kahit pa mahirap ang kanilang kalagayan, tuloy pa rin ang kanilang paghahanapbuhay para lamang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

At kadalasan, tinitipid rin nila ang kanilang sarili para may maiuwi sa kanilang mga asawa’t anak. Gaya na lamang ng isang security guard na ito na nag-viral online.

Read More: Ivana Alawi, Inalala ang Dami ng Kaniyang Pinagdaanan ng Kanyang Pamilya Bago Sumikat Noon

Kamakailan lang, usap-usapan sa social media ang nakakaantig na sitwasyon ng sekyu na ito. Maraming netizens ang di mapigilang kaawaan ang sitwasyon ni kuya, dahil kahit wala itong pagkain ay pilit pa rin itong pumapasok sa kanyang duty. Isang netizen ang kumuha ng larawan ng baon niya.

Makikitang kanin na may asin lamang ang laman ng kanyang baunan. Wala rin siyang ulam kundi ilang pirasong bawang at sibuyas lamang. Sa kabila nito, masaya pa rin ang security guard at mayroon siyang pantawid gutom sa kanyang shift. Agad namang nag-viral ang larawang ito sa social media.

Maraming netizens ang talagang napahanga sa determinasyon at kasipagan ni Kuya. Kahit pa wala itong ulam, tinitiis pa rin niya ang kanyang kalagayan para lamang sa kanyang pamilya. Silipin ang mga komento nila dito:

“Iba talaga ang nagagawa kapag para sa pamilya mo yung ginagawa mo. Lahat matitiis mo maibigay mo lang yung best para sakanila… GOD BLESS YOU kuya.”

“Salute sayo sir! Pero sana wag mo papabayaan ang sarili mo dahil kapag nagkasakit ka mas lalong magiging mahirap ang lahat.”

“Wag kang susuko SIR.. wag kang mawawalan ng pag-asa balang araw darating din sayo ang swerte.”

Read Also: Goodbye Jamill na nga ba? Jayzam, Huli sa Akto na May Kahalikang Ibang Babae!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Security Guard, Nagtitiis sa Ulam na Bawang at Sibuyas Dahil sa Hirap ng Buhay Ngayon appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments