Ganito na Pala Siya Kasosyal Ngayon si Rita Gaviola o Mas Kilalang Badjao Girl

Naaalala niyo pa ba ang sumikat noon sa social media na binansagang si “Badjao Girl?” Taong 2016 nang mag-viral sa social media ang babaeng ito matapos siyang makuhaan ng larawan sa Lucban, Quezon. Maraming netizens ang nabighani sa taglay na kagandahan ng babaeng ito, na nagngangalang Rita Gaviola, kaya naman agad siyang naging online sensation.

Magmula nang mag-viral ang larawan niya sa Lucban, sumikat si Rita. Nagbigay daan rin ito upang magbago ang kanyang kapalaran.

Kung dati ay namamalimos lamang sila sa kalsada, ngayon ay nilalapitan na rin siya ng opportunity! Dahil sa kanyang artistahing ganda, nakapasok rin si Rita sa showbiz.

Read More: Lolo na Bulag, Nakakayang Magbalat ng 1,000 Niyog sa Isang Araw Para Lamang Kumita ng P300!

Isa si Rita sa mga pinalad na mapabilang sa reality program na “Pinoy Big Brother.” Ngunit kahit hindi man siya pinalad na manalo, mas lalo naman siyang sumikat matapos siyang lumabas sa bahay ni Kuya. Ang pagsabak rin sa showbiz ang naging paraan ni Rita upang mabigyan ng mas magandang buhay ang kanyang pamilya.

At dahil sa kanyang kasipagan, nagawa ring umangat ni Rita sa showbiz. Noong 2017, isa siya sa mga sensational teen stars ng Kapamilya network. At kahit pa nakakatanggap rin siya ng mga hindi magagandang salita mula sa ibang netizens, pinatunayan ni Rita na deserve niya ang opportunity na naibigay sa kanya.

Dahil sa kanyang kasipagan, natulungan rin ni Rita ang kanyang mga magulang. Siya na ang nagsilbing breadwinner ng kanilang pamilya, kaya naman todo kayod siya upang masustentuhan ang kanilang pangangailangan. At matapos siyang makaipon, pina-renovate rin ni Rita ang kanilang tahanan.

Talagang napakalayo na nga ng narating ni “Badjao girl” ngayon! Paniguradong hindi na rin siya makikilala sa kanyang transformation. Sa kabila ng lahat, nananatiling humble at mapagbigay si Rita. Hindi niya rin kinakalimutan ang mga taong nagsuporta sa kanyan noon bago pa man siya sumikat.

Read More: Ivana Alawi, Inalala ang Dami ng Kaniyang Pinagdaanan ng Kanyang Pamilya Bago Sumikat Noon

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Ganito na Pala Siya Kasosyal Ngayon si Rita Gaviola o Mas Kilalang Badjao Girl appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments