Mag-Asawang Factory Worker, Naipatayo ang Kanilang Mala-Mansyong Dream House

Hinangaan ng netizens na ito ang mag asawang Ricky Jay Javate at Sharmaine Mamaril Javate matapos nilang ibahagi ang kanilang success story sa social media.

Si Ricky at Sharmaine ay bago pa lamang mag asawa noong naisipan nilang makipag sapalaran sa Taiwan bilang mga factory worker.

At matapos ang tatlong taong pagsisikap, pagtitipid at pagtitiis, nagawa ng mag-asawang maipatayo ang kanilang dream house!

Talaga namang napaka ganda ng kanilang bahay mula interior hanggang exterior kung kaya naman tuwang-tuwa ang netizens sa kanilang storya.

Samantala, nagbigay naman ng mahahalagang tips si Ricky sa kaniyang Facebook account upang ang ibang mga OFWs ant empleyadong kagaya niya ay makapag simula na ring mag-ipon para sa kanilang pangarap.

Tip #1 – Know your Goals
Ayon kay Ricky, “Before ka pumirma ng contrata papuntang ibang bansa dapat may reason ka. Dapat may kapalit ang mga taon na mawalay ka sa piling ng yung mahal na pamilya. ”

Tip #2 – Planning and Budgeting
“Dito sa #2 papasok yung computations.
Sa unang buwan ng sahod mo, Malalaman mo na agad ilan malinis mo every month , Kaltas mo expenses and padala. Yung tira savings a month Times mo sa month ng contrata mo.”

Dagdag pa niya, “Dapat di lalagpas sa maximum ng kayang mong kitain ang Goal mo. Pangarapin lang natin yung kaya ng Income. Kasi kung hindi masasaktan tayo sa Expectation VS Reality. Mangarap ng simple pero magsumikap ng malaki.You need to have a Target every month.”

 

Tip #3 – Be Consistent
“From first to last month ng contrata mo dapat di ka papalya sa Monthly Target. Kung kaya mag titiis mag tiis, Stay away sa mga gala, foodtrip at gadgets. Number one tip “MagTipid”

Tip #4 – No Excuses
“Number 1 reason kung bakit di natutupad ang mga gusto natin dahil sa mga excuses.
Excuses are not allowed pag may pangarap ka. Sabi nga nila. Don’t stop when your tired, Stop when your Done.”

Tip #5
“Last but not the least Wag makakalimut sa taas. Ano man ang nararating natin sa buhay dahil yun kay Ama. At kung ano man ang bigat na iyong pinagdaraaanan ngaun. Wag susuko.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Mag-Asawang Factory Worker, Naipatayo ang Kanilang Mala-Mansyong Dream House appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments