Angel Locsin, Nagtayo ng Malaking Community Pantry na Mala Grocery na Para sa mga Mahihirap!

Talagang hindi nagpapahuli ang real-life Darna na si Angel Locsin pagdating sa pagtulong sa kapwa! Bukod sa pagiging award-winning actress, isang kilalang philantropist rin si Angel. Sa katunayan, kinilala rin siya ng Forbes sa kanyang contribution noong 2019. Tuwing may mga sakuna, nangunguna ang 35-anyos na aktres sa pag-aabot ng mga donations.

At ngayong pandemic, tuloy tuloy pa rin ang pagtulong ni Angel sa mga nangangailangan. Kamakailan lang ay nauso ang community pantry sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng tulong-tulong na efforts ng mga tao, nakabuo sila ng donations upang maipamigay sa mga naghihikahos.

Read More: Lolo na Bulag, Nakakayang Magbalat ng 1,000 Niyog sa Isang Araw Para Lamang Kumita ng P300!

Ang motto ng community pantry ay “Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan.” At dahil marami ang nakikinabang dito, maging si Angel Locsin ay nagtayo rin ng kanyang sariling community pantry upang makapaghatid ng tulong sa mga pamilyang nangangailangan.

Kamakailan lang, ibinahagi ni Angel na magtatayo siya ng malaking community pantry na bukas para sa lahat. Animo’y grocery ang itinayo ni Angel!

Kumpleto rin ito sa mga basic necessities, gaya na lamang ng noodles, de-lata, itlog, tinapay, at kung ano-ano pa. Siyempre, hindi rin mawawala ang bigas.

At dahil nasa kalagitnaan tayo ng pandemic, sinigurado rin ni Angel na mayroong alcohol sa kanyang community pantry. Mayroon ring mga sponsors na nag-provide ng gamot at vitamins. Ayon kay Angel, opisyal na magbubukas community pantry na ito sa April 23, 2021.

Sa kabilang banda, umani naman ito ng iba’t-ibang reaksyon sa mga netizens. Maraming tao ang talagang na-inspire sa kabutihang loob ng aktres. Pinatunayan lamang ni Angel na talagang busilak ang kanyang puso! Silipin ang mga komento nila dito:

“Beautiful inside and out so much respect for you ms .angel locsin.you have been an angel to the lives of many filipinos.”

“Salute to your very generous heart, Angel… mas pinili mong magbigay sa mga kapuspalad kaysa mag celebrate ng iyong kaarawan!”

“Wow… Wish u all the best in life idol.. Mag cecelebrate ka ng bday mo sa pamamgitan ng pagtulong.. Sa kapwa sana lahat ganyan ang kaispan mga nakaka angat sa buhay love u po happy bday”

Read More: Ivana Alawi, Inalala ang Dami ng Kaniyang Pinagdaanan ng Kanyang Pamilya Bago Sumikat Noon

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Angel Locsin, Nagtayo ng Malaking Community Pantry na Mala Grocery na Para sa mga Mahihirap! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments