Karamihan sa atin ay pinaghahandaan ang ating pagtanda. Nais natin na sa panahong ito, nagpapahinga na lamang tayo sa bahay. Ngunit mayroon ding mga matatanda na nais pa ring kumayod at magtrabaho sa kabila ng kanilang edad. Ayaw nilang magpahinga lamang sa bahay, at mas nais nilang magbanat ng buto. Gaya na lamang ng lolo na ito, na tampok sa “Kapuso Mo, Jessica Soho.”
Paniguradong hahanga kayo sa lakas at resistensya ni Jr Velasquez, na mas kilala bilang si Lolo Mano. Sa kabila ng kanyang katandaan, talagang malakas at matikas pa si Lolo.
Kaya naman naitampok rin ang kanyang nakakahangang kwento sa programa na “Kapuso Mo, Jessica Soho.” Ang mas nakakagulat pa, bulag rin si Lolo Mano.
Read More: Ivana Alawi, Inalala ang Dami ng Kaniyang Pinagdaanan ng Kanyang Pamilya Bago Sumikat Noon
Madaling araw pa lamang ay gumigising na si Lolo Mano upang magsibak ng kahoy na panggatong. Matapos ito, magluluto naman siya ng pagkain para sa kanyang pamilya.
Kahit pa nahihirapan siyang makakita, kabisado na ni Lolo Mano ang dapat niyang gawin sa pang-araw araw. Ngunit hindi lang diyan natatapos ang kanyang mga gawain.
Matapos magsibak ng kahoy at magluto, diretso naman si Lolo Mano sa kanyang trabaho. Ang pangunahing hanapbuhay niya ay ang pagbabalat ng niyog o kopra. Ito rin ang nagsisilbing source of income ni Lolo. Kumikita siya ng P300 kada araw sa pagbabalat ng mga niyog.
Ayon kay Jofrey Lamosnero, may-ari ng koprahan, si Lolo Mano ang pinakamabilis magbalat ng niyog sa kanilang lugar. Sa katunayan, kinakaya di umano nitong magbalat ng 1,000 niyog sa loob lamang ng isang araw! Talagang nakakamangha ang abilidad ni Lolo Mano kahit pa hindi siya nakakakita.
Sa kanyang interview, ibinahagi ni Lolo Mano na ipinanganak siyang nakakakita. Ngunit noong bata pa lamang siya, nagkaroon siya ng tigdas, na naging resulta ng pagkabulag niya dahil sa poor light reception. Magmula noon, unti-unti na ring nawala ang kanyang paningin.
Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang talagang namangha dahil sa katatagan at kasipagan ni Lolo Mano. Nais rin nilang mag-abot ng tulong kay Lolo para sa mga pangangailangan nito.
Read Also: Goodbye Jamill na nga ba? Jayzam, Huli sa Akto na May Kahalikang Ibang Babae!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
The post Lolo na Bulag, Nakakayang Magbalat ng 1,000 Niyog sa Isang Araw Para Lamang Kumita ng P300! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments