Nakita Nila Ang Cooler Na Ito Na Palutang-lutang Sa Ilog. Nang Buksan Nila Ito, Kinilabutan Sila Sa Nakita

Naranasan mo na bang makapulot ng kung ano anong bagay sa isang di pamilyar na lugar? Karamihan sa atin ay matatakot na basta basta na lamang dumampot ng mga ito. Ngunit mayroon ring mga tao na malalakas ang loob at mas pipiliing usisain ang bagay na napulot nila. Gaya na lamang ng grupo ng magkakaibigan na ito, na ibinahagi sa social media ang napulot nila!

Dahil maganda ang panahon, ngpasya ang magkakaibigang ito na mamasyal sa tabi ng lawa. Ine-enjoy nila ang huling araw ng kanilang bakasyon, ngunit hindi nila akalin na mayroon pala silang makikitang kakaiba sa araw na ito! Habang nagre-relax ang magkakaibigan sa dalampasigan, mayroon silang namataang palutang-lutang sa ilog.

Read More: Barkong Lumubog na May Dalang Kayamanan, Muling Lumitaw sa Dalampasigan Makalipas ang 80 Years!

Noong una ay hindi nila matanaw kung ano ito dahil malayo ito sa kanila. Ngunit dahil nacurious sila dito, nagpasya ang magkakaibigan na kunin ito. Nagulat na lamang sila nang makita sa malapitan ang bagay, na isa palang puting cooler na palutang lutang lamang sa tubig!

Ngunit ang mas nakakakilabot pa dito, nakasara ng mahigpit ang cooler at pinalibutan rin ito ng duct tape. Kung sino man ang nagsara nito, mukhang ayaw nilang ipabuksan ito dahil sa dami ng tape na nilagay. Dahil dito, inisa-isa ng magkakaibigan ang tape upang masilip kung ano nga ba ang nilalaman ng cooler na ito.

Para sa karamihan, marahil ay kikilabutan sila sa cooler na ito. Mayroon ring paniguradong tatawag sa pulis, dahil mukhang hindi maganda ang magiging laman ng cooler na ito na iniwan sa ilog.

Mukhang ganito rin ang naiisip ng magkakaibigang ito. Ngunit matapos nilang makita ang laman ng cooler, nakahinga sila ng maluwag! Isang manika lamang ang nilalaman nito. Ang natitirang tanong ngayon, sino kaya ang naglagay ng manika sa loob at ipinalutang-lutang ito sa ilog?

Read More: Silipin ang Naggagandahang Anak ni Regine Tolentino! Sasabak rin Kaya Sila sa Showbiz?

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Nakita Nila Ang Cooler Na Ito Na Palutang-lutang Sa Ilog. Nang Buksan Nila Ito, Kinilabutan Sila Sa Nakita appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments