Pinay OFW, Naging Instant Milyonarya Matapos Itaya ang Kahulihulihan Niyang Pera sa Lotto!

Mahilig ka rin bang tumaya sa lotto? Masarap nga naman talagang mangarap na magiging milyonaryo ka kapag naka-jackpot ka. Kaya naman karamihan sa ating mga Pinoy ay matiyagang tumataya sa lotto araw araw sa pag-asang seswertehin din tayo pagdating ng panahon. Gaya na lamang ng nangyari sa overseas Filipino worker na ito, na nagbago ang buhay matapos bumili ng lotto ticket!

Maraming netizens ang talagang namangha sa kwento ni Remedios Bombon, isang overseas Filipino worker sa United Arab Emirates. Nagta-trabaho si Remedios bilang house keeper at bus attendant sa Abu Dhabi. Ngunit nang dahil sa pandemic, nawalan siya ng trabaho at nalagay siya sa gipit na sitwasyon.

Read More: Magandang Aktres Noon, Tinalikuran ang Showbiz Career Para Mag-Madre!

Ayon kay Remedios, dumating sa punto na halos maubos na rin ang kayang nakatabing pera dahil tatlong buwan na siyang walang trabaho. Isang araw, ang natitirang pera na lamang daw sa wallet niya a AED 60, o nagkakahalaga ng P820.

Noong mga panahong iyon, hindi na rin daw alam ni Remedios kung saan kukuha ng pera upang makaraos siya. Imbes na ibili ng pagkain, naisipan niyang tumaya na lamang sa lotto sa pag-asang mananalo siya ng kahit maliit lamang na halaga.

Hindi niya inaasahan na siya pala ang papalaring manalo ng jackpot prize! Kinabukasan, halos hindi makapaniwala si Remedios matapos makita na ang winning numbers niya pala ang nabunot sa Emirates Loto.

Ayon sa mga reports, si Remedios ang nakasungkit ng grand prize na 333,333 AED o mahigit P4.5 milyon! Hindi makapaniwala si Remedios sa kanyang swerte. Ayon sa kanya, naniniwala siyang ang blessing na ito ay galing sa Diyos at dininig nito ang panalangin niya.

Sa kanyang natanggap na prize money, hindi na muling kakailanganin ni Remedios na bumalik abroad. Sa halip, maaari na siyang makauwi sa Pilipinas upang makasama ang kanyang mga mahal sa buhay. Maaari na rin siyang makapagpatayo ng sarili niyang bahay at lupa mula sa kanyang napanalunan.

Read More: Barkong Lumubog na May Dalang Kayamanan, Muling Lumitaw sa Dalampasigan Makalipas ang 80 Years!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Pinay OFW, Naging Instant Milyonarya Matapos Itaya ang Kahulihulihan Niyang Pera sa Lotto! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments