Kilalanin ang Grade 8 student na ito na trending dahil sa kaniyang kakaibang talento.
Ang dalagitang ito mula Nepal ay may tinataglay na kakayahan na hindi pang karaniwan, kagaya na lamang ng pagkanta, pagsaway o di naman kaya ay pag arte.
Dahil sa kaniyang murang edad ay marami ang nagtataka sa kaniyang galing sa calligraphy, o ang sining ng pagsulat, na madalas pang napag kakamalan na gawang computer ang mga ito!
Ang kaniyang sulat-kamay ay hindi lamang malinis, kung hindi tugmang-tugma rin ang sukat ang laki, na tila pinaprint.
Kung kaya naman madalas siyang pang bato ng kaniyang mga guro sa iba’t ibang mga contest, at isa siya sa mga naging pride ng kanilang eskwelahan.
Siya ay si Prakriti Malla, na tinagurian nang may pinaka magandang sulat sa buong mundo!
Minsang ibinahagi ng kaniyang gurong si Dr. Kirstin Ferguson sa kanyang social media account, ang larawan ng sulat-kamay ni Malla at doon siya nag umpisang mag trending.
Ayon kay Malla, ay libangan na talaga niya ang pagsusulat at lalo pa siyang ginaganahan dahil madalas napupuri ng mga tao ang kaniyang angking galing sa pagsusulat.
Kung kaya naman kahit napaka ganda at linis ng kaniyang mga gawa ay kaya niya itong gawin sa napaka bilis na oras lamang, dahil sanay na siya sa ganitong klaseng bagay.
Kaya naman hinangaan siya ng mga netizens dahil bukod sa kaniyang talento ay hindi maipag kakailang matalinong bata rin si Malla, na madalas nanalo sa iba’t ibang mga kompetisyon.
Para naman kay Malla, masaya siyang napapansin na siya ng mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo at ang kaniyang mga magulang at talaga naman proud na proud sa kaniya.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Isang Grade 8 Student Usap-Usapan sa Kaniyang Mala-Printer na Kamay appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments