Mag Asawang Nakapagpatayo ng Bahay sa Halagang 150,000 PHP Lamang

Para sa mga nag uumpisa pa lamang sa buhay at nangungupahan ng bahay, isang malaking pangarap ang magkaroon ng sarili nilang bhay.

Kung kaya naman agad nag trending ang mag asawang ito matapos nilang ibahagi ang kwento ng kanilang simple ngunit kamangha-mangha nilang bahay.

Sa post ni Chang Agbon Villacuer sa kanilang Facebook page na mag asawa na may pangaalang “Lovely Home Design” ay ikinuwento niya ang pagtatyaga nilang mag asawa upang maitaguyod lamang ang kanilang planong pag bubukod.

At sa tamang diskarte at pag gamit ng mga kagamitan na nakapaligid sa kanila ay naka gastos lamang sila ng nagkakahalagang 150,000 PHP mag asawa!

“Pa post po dito share ko lang bahay namin, kahit hindi pa tapos sariling sikap ng asawa ko kahit sa gas station lang nag tatrabaho.. para maka bukod lang kmi at may sariling bahay kahit simple lang…”

Ayon pa kay Villacuer, ginamit nila ang mga kahoy sa kanilang bukid, kung kaya naman mas nakatipid silang mag asawa.

Hindi man ganun kagarbo ang kanilang dream house ay ito pa rin ang tahanan na kanilang pipiliing uwian palagi.

“Sa mga nagtatanong kung magkano na po yung nagastos namin ito ang mga 150 thousand pesos mahigit kasi yung mga kahoy na gamit dito samin, may bukid kami may mga tanim na kahoy”

At para naman sa mga kagaya niya noon na nangangarap lamang magkaroon ng sariling bahay para sa kanilang pamilya ay mayroong payo na ibinahagi si Villacuer.

“Kaya sa may balak na magkabahay, walang impossible kung gugustuhin. Kami nga simple lang buhay namin dito nakaya namin. Sana diyan sa post naming bahay may nakuha kayong mga ideas”.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Mag Asawang Nakapagpatayo ng Bahay sa Halagang 150,000 PHP Lamang appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments