Alamin ang nakakakilig na love story ni “Sir Chief” Richard Yap sa asawa niyang si Melody

Kilalanin ang napaka gandang asawa ni Richard Yap, o mas kilala natin bilang si Sir Chief.

Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na isang full Chinese si Richard, at isa sa kanilang mga kultura ay ang pagpapakasal sa kaniilang mga kalahi upang maipag patuloy ang kanilang tradisyon.

Ngunit sa kasamaang palad ay isang Filipina si Melody, ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi ipaglaban ni Richard ang kanilang pagmahalan.

Hindi naging madali ang takbo ng kanilang relasyon, ngunit inilaban nila ang kanilang relasyon.

Ayon sa aktor, ang ama pa niya mismo ang tumututol sa kasal nilang dalawa ngunit napapayag din niya ito matapos niyang patunayan na totoo ang kanilang pag iibigan at seryoso sila sa isa’t isa.

“My dad wanted me to marry someone that he chose,” Aniya sa isang interview. “Kaya lang matigas talaga ulo ko, hindi ako sumunod. Kaya hindi talaga ako ang naging favorite niya.”

Dagdag pa ng Kapuso star, “But I think you really have to stick up kung sino talaga ang gusto mong pakasalan. Kasi iyon ang magiging kasama mo habang buhay. So I chose who I wanted to marry instead kung sino ang gusto nila,”

Ngunit dahil nagkaroon ng anak si Richard na lalaki kay Melody, na itinuturing sa swerte sa kultura ng mga Chinese ay nagka ayos din ang mag-ama.

“That was the only child who would bring the family name. Ako lang kasi ang nagkaanak ng lalaki,”

At napaka supportive din umano nito sa lahat ng kaniyang mga ginagawa sa buhay, kahit noong nag umpisa siyang mag artista.

Madalas pa siyang sinasamahan ng kaniyang asawa sa mga taping at tuwang-tuwa pa di umano sa kanilang hindi matutumbasang tambalan nila ni Jodi Sta. Maria.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Alamin ang nakakakilig na love story ni “Sir Chief” Richard Yap sa asawa niyang si Melody appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments