Barkong Lumubog na May Dalang Kayamanan, Muling Lumitaw sa Dalampasigan Makalipas ang 80 Years!

Maraming nakakamanghang pangyayari sa mundo ang hindi natin inaasahang matuklasan. Gaya na lamang sa karagatan, kung saan libo-libong sikreto ang nakatago mula sa ating paningin. Ngunit paminsan-minsan, may mga sikreto ang karagatan na natutuklasan natin.

Sa mga ganitong pagkakataon, paniguradong mamamangha tayo sa ating mga makikita! Gaya na lamang ng nangyari sa isang dalampasigang ito.

Nagulat ang mga turista at residente ng Coronado Shores sa California matapos makita ang malaking barko na tila ba napadpad sa dalampasigan! At nang lapitan nila ito, saka lamang nila napagtanto na ito pala ang nawawalang barko na SS Monte Carlo.

Read More: Silipin ang Naggagandahang Anak ni Regine Tolentino! Sasabak rin Kaya Sila sa Showbiz?

Tuwing low tide lamang makikita ang shipwreck ng SS Monte Carlo. Hindi ito maalis sa dalampasigan dahil nakabaon ang ilalim na parte nito sa buhangin.

Sa katunayan, lumabas lamang ito matapos magkaroon ng malakas na bagyo na siyang nag wash out sa mga buhangin. Agad namang dinayo ng mga turista ang beach upang makita ang shipwreck na ito.

Ang SS Monte Carlo, o mas kilala bilang Sin Ship, ay mayroong makulay na kasaysayan. Isa ito sa mga pinakamalaking barko noon kabilang sa “Gambling Ship Row.” Ang SS Monte Carlo ay may rutang San Diego, Long Beach, at Santa Monica. Ayon sa mga sources, mahigit 15,000 tao kada linggo ang lulan nito.

Ngunit hindi rin nagtagal ang pamamayagpag nito. Taong 1937 nang lumubog ito dahil sa isang matinding bagyo. Sinong mag-aakalang makalipas ang mahigit walong dekada, saka lamang magpapakita ang barkong ito? Mayroon ring bali-balita na may itinatagong kayamanan ang SS Monte Carlo.

Ayon sa ibang urban legends, mayroong treasure chest sa loob ng shipwreck. Naglalaman di umano ito ng libo-libong gold coins. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nagpapatotoo dito.

Read More: Ganito na Pala Siya Kasosyal Ngayon si Rita Gaviola o Mas Kilalang Badjao Girl

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Barkong Lumubog na May Dalang Kayamanan, Muling Lumitaw sa Dalampasigan Makalipas ang 80 Years! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments