Bagong Kasal na Mag-Asawa Nakadiskubre ng Isang Bag at Talagang Nagbago ang Buhay Nila Rito

Sabi ng iilan, swerte raw ang mga taong bagong kasal.

Bukod kasi sa mga regalo at basbas na natanggap nila noong selebrasyon ng kanilang pag iisang dibdib ay talagang lapitinn daw talaga ng mga biyaya ang mga taong bago pa lamang nag isang dibdib.

Masasabing naging ganoon ang sitwayson sa mag-asawang ito na taga Ohio dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay may madidiskubre silang isang kakaibang lihim sa bodega ng kanilang bagong bahay.

Nagsimula umano ito noong naisipan nilang mag renovate at sinimulan nila ito sa kanilang basement.

Doon ay may natunton silang isang plywood na nakausli. Kung kaya naman agad nilang tinanggal ito at doon nila nakita ang isang dingding na may nakasulat na iba’t ibang graffitti.

Nagpatuloy ang mag asawa sa pagtatanggal ng wallpaper at plywood sa kisame, at doon ay natagpuan nila ng isang box na tila may napaka bigat na laman.

Nang kuhain nila ang kahon ay napansin nilang tila talagang sinadyang ilagay ito roon, dahil saktong-sakto ang pagkakatago ng bagay sa kisame.

Na eexcite man ang mag asawa ay kinakailangan nilang mag ingat dahil hindi pa rin sila sigurado sa maaring lamann nito. kung kaya naman ipinagpaliban na muna nila ang pagbubukas.

Matapos ang ilang araw ay naging kumbinsido ang dalawa na tingnan kung ano ba talaga ang laman ng kahon at labis na lamang ang kanilang gulat ng nakita nilang limpak-limpak na salapi ang nakatago sa loob nito!

At hindi lang yan, dahil nga itinuloy ng mag-asawa ang pagrerenovate ay naka diskubre pa sila ng panibagong khon ng kayamanan, at may mga alahas pa!

Agad na silang tumawag ng tulong mula sa mga awtoridad matapos silang makakita ng mga larawan na maaring magturo sa tamang nag mamay ari ng mga salaping ito.

Ngunit napag alaman na galing pa itong 1950s, kung kaya naman sa kanila na mapupunta ang lahat ng yaman na kanilang natagpuan. Kung sini swerte ka nga naman talaga!

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Bagong Kasal na Mag-Asawa Nakadiskubre ng Isang Bag at Talagang Nagbago ang Buhay Nila Rito appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments