Beteranang Singer na si Sheryn Regis, Ibinahagi ang Matinding Karamdaman na Matagal Niya Ring Ininda

Naaalala niyo ba ang ang beteranang singer na si Sheryn Regis? Sino nga ba naman ang makakalimot sa mala-anghel na boses ng singer na ito na talaga namang tumatak sa puso ng mga fans. Matatandaang nagsimulang sumikat si Sheryn matapos siyang sumali sa singing competition na “Search for the Star in a Million.” At dahil sa kanyang angking talento, itinampok siya bilang first-runner up ng programa.

Taong 2003 pa nang unang sumabak si Sheryn sa singing competition na ito, kung saan si Erik Santos ang nagwagi. Ngunit kahit hindi man si Shery ang itinanghal na grand champion, nabihag rin niya ang puso ng mga fans dahil sa kanyang angking talento. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit mabilis rin siyang sumikat sa showbiz industry.

Read More: Barkong Lumubog na May Dalang Kayamanan, Muling Lumitaw sa Dalampasigan Makalipas ang 80 Years!

Matapos ang kanyang stint sa singing competition, tuluyan nang pumirma ng kontrata si Sheryn sa ABS-CBN. Sa katunayan, ginamit rin ang mga kanta ni Sheryn sa mga sikat na television series sa Kapamilya network. Gaya na lamang ng mga palabas na “Marina,” “Krystala,” “Kampanerang Kuba,” “Gulong ng Palad,” “Maria Flordeluna,” at “Prinsesa ng Banyera.”

Ngunit may mga pangyayari sa buhay na hindi inaasahan, gaya na lamang ng pagsubok na hinarap ng singer na ito. Taong 2016 nang ibahagi ng singer na mayroon siyang mabigat na pinagdaraanan. Sa kanyang nagdaang panayam sa “Magadang Buhay,” ibinahagi ni Sheryn na nagkaroon siya ng thyroid cancer.

Sa Cebu niya nalaman na mayroon siyang matinding karamdaman, kaya naman doon na rin niya napagdesisyunang magpagamot. Sumailalim siya sa treatment, at di kalauna’y kinailangan niya ring sumailalim sa surgery upang matanggal ang tumor. Ayon kay Sheryn, hindi rin alam ng kanyang mga magulang ito.

Sa awa ng Diyos, sa ngayon ay nakarecover na si Sheryn mula sa kanyang karamdaman. Muli na rin siyang nakabalik sa pag-awit na talaga namang nagpapasaya sa kanya. Talagang nakakamangha ang katatagan ni Sheryn upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok na hinarap niya.

Read More: Silipin ang Naggagandahang Anak ni Regine Tolentino! Sasabak rin Kaya Sila sa Showbiz?

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Beteranang Singer na si Sheryn Regis, Ibinahagi ang Matinding Karamdaman na Matagal Niya Ring Ininda appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments