Pagpatak Ng Alas Dose Ng Tanghali, Pinagbabawalan Ang Lahat Na Mag-swimming Sa Enchanted River. Ang Dahilan Sa Likod Nito? Alamin!

Maraming nakakamanghang tourist spots sa buong Pilipinas. Kabilang na dito ang ating nakakahalinang anyong tubig. Dahil archipelago ang Pilipinas, mayaman tayo sa mga dalampasigan, ilog, lawa, at iba pa. Isa na marahil sa pinakamagandang tourist spots sa Pinas ay ang Enchanted River na matatagpuan sa bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Tinagurian itong Enchanted River dahil sa nakakamanghang kulay nito. Mayroong isang parte ng ilog kung saan bughaw ang kulay ng tubig, at sa sobrang linis nito ay halos transparent na ang tubig. Mahigit 290 meters lamang ang haba ng Enchanted River, ngunit maliit na parte lamang nito ang mayroong bughaw na kulay ng tubig.

Read More: Barkong Lumubog na May Dalang Kayamanan, Muling Lumitaw sa Dalampasigan Makalipas ang 80 Years!

Dahil sa kakaibang ganda ng lugar na ito, hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming tao ang laging bumibisita sa Siargao masilayan lamang ito. Taon-taon, libo-libong turista mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang dumadayo sa Enchanted River. Kaya naman naghanda rin ng mga regulasyon ang local government upang masiguradong mapapangalagaan ito.

Upang ma-preserve ang natural na kagandahan ng Enchanted River, ipinagbawal ng local government ang pagsi-swimming sa main river ng lagoon. Ngunit kung nais magswimming ng mga bisita, mayroong inilaan na parte ng ilog kung saan pwede silang magtampisaw. Ang fish-feeding schedule naman ay mula alas dose hanggang alas tres ng hapon.

CROWDED. Prior to the river’s rehabilitation, crowds would jump into the Blue Lagoon. Photo courtesy of Hinatuan Tourism

REHABILITATED. The Enchanted River’s Blue Lagoon is now only for sightseeing and picture taking, not swimming.

Isang beses na rin itong nagsara sa lahat ng turista noong January 2017. Makalipas lamang ang isang buwan, muli itong nagbukas. Ayon sa local government, kinailangan lang nila ng kaunting panahoon upang mapanatiling malinis at kaaya-aya ang paligid ng Hinatuan Enchanted River.

Kung interesado kang bisitahin ang lugar na ito, dapat ay sumunod rin sa health protocols na itinalaga ng local government. Pagdating sa Hinatuan, kailangan pang maghike ng mahigit kalahating kilometro bago tuluyang maabot ang ilog.

Read More: Silipin ang Naggagandahang Anak ni Regine Tolentino! Sasabak rin Kaya Sila sa Showbiz?

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Pagpatak Ng Alas Dose Ng Tanghali, Pinagbabawalan Ang Lahat Na Mag-swimming Sa Enchanted River. Ang Dahilan Sa Likod Nito? Alamin! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments