Ivana Alawi, Inalala ang Dami ng Kaniyang Pinagdaanan ng Kanyang Pamilya Bago Sumikat Noon

Isa si Ivana Alawi sa mga pinakasikat sa vloggers ngayon sa Pinas. Ngunit bukod sa kanyang natatanging ganda, hinahangaan rin si Ivana sa kanyang kabutihang loob. At magmula ng sumikat siya sa Youtube, lagi ring ibinabahagi ng 23-anyos na aktres ang kanyang blessings sa ibang tao. Tuwing may nangangailangan, hindi nagdadalawang isip si Ivana na mag-abot ng tulong.

Tuwing may mga nasasalanta, isa si Ivana sa mga nangungunang mag-donate ng mga relief goods. Marami rin siyang natutulungan sa kanyang vlogs. Ngunit alam niyo ba na bago pa man siya sumikat, marami ring hamon na pinagdaanan si Ivana?

Read Also: Goodbye Jamill na nga ba? Jayzam, Huli sa Akto na May Kahalikang Ibang Babae!

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang hirap na dinanas ni Ivana, o Mariam, upang makapasok sa showbiz industry. Marangya ang pamumuhay ni Ivana at ng kanyang mga kapatid noong naninirahan sila sa Bahrain. Ngunit nang umuwi sila sa Pinas kasama ang kanilang ina, saka nila naranasan ang hirap ng buhay.

Sa kanyang interview sa “Magandang Buhay,” ibinahagi rin ni Ivana ang mga sakripisyong pinagdaanan nila para lamang makaraos.

Dumating rin daw sila sa punto na toyo na lamang ang inuulam nila para lamang maitawid ang kanilang gutom. Noong mga panahong iyon, nakipaghiwalay na ang kanilang inang si Fatima sa kanilang Moroccan father.

Ngunit sa kabila ng hirap ng buhay, patuloy pa ring nangangarap si Ivana at ang kanyang mga kapatid. Kaya naman nangarap rin sila na makapasok sa showbiz. Nangako si Ivana sa sarili niya na tutulong rin siya sa iba kapag nakaangat na sila sa buhay.

Tagumpay naman ang kanyang nakababatang kapatid na si Mona Louise Rey, na natanggap sa GMA Network. Hindi nagtagal, sumabak rin sa talent search program na “Starstruck” si Ivana, na mas kilala pa noon bilang Mariam.

Kaya naman ngayong nakamit na niya ang tagumpay, hindi nagdadalawang isip si Ivana na ibahagi ang mga natatanggap niyang blessings. Ayon sa Youtube star, napagdaanan niya rin ang mga hamon sa buhay, kaya naman hangga’t maaari ay nais niyang maging inspirasyon sa ibang mga tao.

Read Also: Col. Bosita, May Bwelta kay Nebrija! Hindi Inatrasan ang MMDA Chairman Matapos Siyang Bantaan Nito sa Social Media

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Ivana Alawi, Inalala ang Dami ng Kaniyang Pinagdaanan ng Kanyang Pamilya Bago Sumikat Noon appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments