Ang pagiging bata ang dapat isa sa pinaka masayang alala ng sinuman dahil dito nila dapat nararanasan ang kainosentehan, saya sa pag lalaro, at ginhawa mula sa mga problema sa buhay.
Ngunit sa kasamaang paalad ay milyung-milyong mga bata pa rin sa iba’t-ibang panig ng mundo ang nakakaranas ng abuso, kalungkutan at maagang depresyon dahil sa kanilang hindi magandang sitwasyon.
Karamihan din sa kanila ay napipilitang magtrabaho nang maaga, kagaya na lamang ni Rehan, siyam na taong gulang.
Kamakailan ay nag trending si Rehan matapos isang netizen ang nagbahagi ng kaniyang istorya sa Instagram.
Sa kaniyang murang edad ay kinakailangan na niyang kumayod, imbis na nag papahinga sana siya at pinagkaka abalahan ang kaniyang pag-aaaral.
Ayon sa netizen, naglalakad umano ng mahigit 10 kilometro araw-araw ang musmos papunta sa kaniyang trabaho dahil wala sa kaniyang budget ang mamasahe.
Upang maiwasan ang init ay madaling araw palang ay naglalakad na si Rehan, at saka natutulog sa tabi ng estabilsyimento hanggang mag bukas ito.
Si Rehan ay nagtatrabaho bilang isang mascot na taga aliw sa mga taong ipit sa traffic, kagaya na lamang ng mga drivers at mga empleyado.
Ayon kay Rehan ay ginagawa niya ang lahat upang maaliw ang mga tao sa kaniya, kung kaya naman tinitiis niya ang init ng kaniyang suot upang masigurado na magawa niya ang kaniyang tabaho.
Dagdag ni Rehan ay iba-iba ang kanyang sinusuot na custome katulad na lamang ng mga cartoon characters na sina Dora, Upin and Ipin, Spongebob Squarepants at marami pang iba.
Kahit malliit ang sahod ay tinitiis niyang magtrabaho upang mayroon silang pambili ng gatas, bigas at ulam.
Kahit sa murang edad ay hindi na niya inda ang pagod para sa kaniyang pamilya.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Bata, Tinitiis Maglakad ng 10km Araw-Araw Upang Gawin ito sa Kaniyang Pamilya. appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments