sabi nga nila, kung ayaw mong gawin sa iyo ay huwag na huwag mong gagawin sa iba, mapa tao man o hayop, upang hindi ka makarma.
Ngunit tila nawala ata sa utak ng isang lalaki sa China ang kasabihang ito matapos niyang walang awang saktan ang isang aso na nanahimik lamang sa isang tabi.
Kwento ng lalaki ay pauwi na sana siya sa kaniyang tahanan sa Chongqing, China noong mamataan niya ang aso na nakahiga sa kaniyang paboritong parking lot.
At imbis na sawayin ito upang kalmadong umalis ay mas pinili ng lalaki na sipa-sipain ang walang kalaban-laban na aso, hanggang sa tuluyan na lamang itong tumakbo palayo.
Nakapag park naman nang maayos ang lalaki ngunit lingid sa kaalaman niya na ito pala ang huling beses na makikita nya ang kaniyang sasakyan sa maayos na kalagayan!
Ilang oras ang lumipas ay bumalik ang aso kasama ang ilan niyang mga kaibigan, at doon nila sinumulang pagkakagatin ang bodywork at windscreen wipers ng sasakyan ng lalaking sumipa sa kaniya!
Nang tapos na sila sa kanilang paghihiganti ay agad na nagsitakbuhan ang mga ito.
Kinabukasan ay laking pang lulumo na lamang ng lalaki sa kaniyang nakita!
Nakuhanan naman ng kaniyang kapit bahay ang buong pangyayari at napag desisyunan na i-upload ito sa social media, na nag silbing aliw at kaalaman na rin para sa iba na hindi dapat kinakanti ang mga walang makalay-malay na hayop tulad na lamang ng asong iyon.
Nag iisa lamang ang China na bansang walang animal cruelty law kung kaya naman talamak ang mga dog fights at animal testing rito. Makakasuhan lamang ng paninira ng personal property ang sinumang nanakit sa hayop kapag pag inaalagan ito ng isang tao.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Lalaki, Dismayado sa Ganti ng mga aso sa Kaniyang Sasakyan appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments