May Relasyon Nga Ba? Sharon, Nagsalita na sa Totoong Namamagitan kay KC Concepcion at Apl.de.Ap!

Maraming fans ang nai-intriga sa bagong love life ng dating aktres na si KC Concepcion. Taong 2021 na, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring ‘jowa reveal’ ang anak ni Megastar Sharon Cuneta. Kaya naman maraming tao ang interesadong malaman kung may bagong lalaki nga bang nagpapatibok sa puso ng 35-anyos na celebrity na ito.

Nitong mga nakaraang buwan ay usap-usapan ang madalas na paglabas ni KC kasama ang rapper na si Apl.de.ap. Nali-link si KC ngayon kay Apl.de.ap dahil ilang beses na silang nakikitang magkasama sa publiko. Dahil dito, napapaisip ang mga fans kung may namamagitan nga ba sa dalawa.

Read also: Vice Ganda, Napaiyak Matapos Muling Makita ang Contestant na Tinulungan Niya Noon

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na sadyang malapit sa isa’t-isa si KC at Apl. Sa katunayan, bago pa man sila ma-link sa isa’t-isa ay matalik na silang magkaibigan at madalas rin silang nagbabakasyon ng magkasama. Kaya naman pati si Sharon ay ini-intriga upang malaman kung sino nga ba ang current boyfriend ng panganay niya.

Sa isang panayam sa Philippine Entertainment Portal, sa wakas ay nagsalita na si Sharon tungkol sa love life ni KC. Ayon kay Sharon, hindi inamin ni KC ang totoong score sa pagitan nila, ngunit sinabi daw nito na matalik na magkaibigan sila ng singer.

“Ang sabi sa amin ni KC, ‘We’re very good friends.’ Hindi naman ako nag-usisa pa, basta kahit sino pa, basta mahal niya at mahal siya,” saad ng Megastar.

Talaga nga namang nasa tamang edad na si KC upang mag-asawa. Sa kanyang edad na 35, kaya na rin ni KC na magkaroon ng kanyang pamilya kung gugustuhin man niya. Ngunit mukhang malayo pa sa plano ng dating aktres ang pagbuo ng kanyang sariling pamilya. Mukhang marami pang gustong ma-accomplish si KC bago siya tuluyang lumagay sa tahimik.

Ayon naman kay Sharon, hindi niya pinpigilan ang kanyang panganay sa mga nais nitong gawin. At kahit pa madalas malayo si KC mula sa poder ng kanyang nanay, sinisigurado nilang lagi silang nagkakausap at nagkakamustahan.

Read also: Celebrity Basurero: Mangangalakal, Napagkamalang Hollywood Actor Matapos Dumaan sa Nakakagulat na Transformation

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

The post May Relasyon Nga Ba? Sharon, Nagsalita na sa Totoong Namamagitan kay KC Concepcion at Apl.de.Ap! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments