Super Tekla, Proud na Ipinasilip ang Bonggang Dream House na Bunga ng Kanyang Pagsisikap sa Showbiz

Bilang artista, wala ng mas sasarap pa ang makitang may bunga ang mga pinaghirapan mo. Hindi rin madali ang karera sa industriya ng showbiz lalo pa’t hindi mo masasabi kung kailan ka malalaos. Dahil dito, habang bata pa ay todo kayod na ang mga artista upang maghanda sa kanilang pagreretiro. Isa na sa kanila ay ang komedyante na si Super Tekla.

Ilang taon na rin simula ng pasukin ni Tekla, o mas kilala sa totoong buhay bilang Romeo Librada, ang pag-aartista. Nakaipon na rin siya at nakapagpundar ng ilang mga pag-aari dahil sa kanyang tuloy-tuloy na proyekto. Kasama na dito ang isang sasakyan at kanyang condo unit na tinitirahan ng kanyang pamilya.

Read also: Matteo, May Sweet na Mensahe sa Misis na si Sarah sa Nalalapit Nilang Wedding Anniversary

Ngunit sa kabila ng lahat, may isang pangarap si Tekla: ang magkaroon ng kanyang sariling dream home! Alam niya na hindi siya habang buhay magiging malakas, kaya naman habang kaya niya pang magtrabaho ay kumakayod siya upang makabili ng sariling bahay.

Sa pagpasok ng 2021 ay nakamit na ni Tekla ang matagal na niyang inaasam. Sa kanyang vlog kasama ang best friend na si Donita Nose, ibinahagi ni Tekla na nakabili na siya ng kanyang dream home sa isang exclusive subdivision!

Ang bahay na ito ay bunga ng kanyang paghihirap sa kanyang career.

Ayon kay Donita Nose, mayroon rin syang bahay sa parehong subdivision. Sa katunayan, walong bahay lamang ang layo niya mula sa dream home ni Tekla. Dahil dito, nagbiro pa si Donita na mukhang ayaw talaga ni Tekla na humiwalay sa kanya.

Walang mapaglagyan ng tuwa si Tekla sa kanyang bagong dream home. Sa ngayon ay wala pa itong laman, ngunit uunti-untiin niya daw ito hanggang sa maaari na itong tirahan ng kanyang pamilya.

Maraming fans naman ang natuwa sa isang malaking achievement na ito ng kanilang paboritong TV host at komedyante.

Read also: Carmina Villaroel, Ikinumpara si Julia Montes sa Bastos na Aktres na Nakatrabaho Niya

Gusto mo rin bang makita ang ultimate house tour ni Super Tekla? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

The post Super Tekla, Proud na Ipinasilip ang Bonggang Dream House na Bunga ng Kanyang Pagsisikap sa Showbiz appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments