Paolo Contis, Sinorpresa ang Anak na si Summer Matapos Magpagawa ng Playground sa Loob Mismo ng Bakuran Nila

Karamihan sa atin ay kilala si Paolo Contis bilang isang magaling na komedyante. Noong 2020, ipinamalas naman ni Paolo ang husay at talento niya sa pag-arte sa kanyang pelikulang “Through Night and Day” kasama si Alexandra de Rossi. Pero kung gusto niyo talagang makilala si Paolo sa totoong buhay, bisitahin niyo ang kanyang Youtube channel na last year lang niya inumpisahan.

Sa kanyang vlog ay ipinakita ni Paolo Contis ang buhay niya bilang isang ama at asawa na madalas ay hindi natin nakikita sa telebisyon.

Tuwing wala siyang taping para sa kanyang mga movies at shows, sinisiguro ni Paolo na maglaan ng maraming oras para sa pamilya niya. Sa ganitong paraan, mas lalong naging malapit sa kanya ang anak niyang si Summer.

Read also: Isang OFW ang Nakakita ngLimpak Limpak na Salapi Habang Naglilinis Ngunit Laking Gulat ng Kanyang Amo sa Ginawa nyang Ito

Talaga namang isang dedicated na tatay si Paolo sa kanyang baby girl. At sa gitna ng pandemya, hindi makalabas si Summer upang maglaro sa mga playground sa mall o park.

Dahil dito, naisipan ni Paolo na sorpresahin ang anak sa pamamagitan ng paggawa ng sarili nitong playground sa backyard nila!

Sa kanyang vlog, ipinakita ni Paolo kung paano niya unti-unting binuo ang playground ng anak. Inihanda muna nila ang backyard at nilinis ito para siguradong malawak ang space na mapaglalaruan ni Summer.

Pagkatapos noon ay inassemble ni Paolo ang mga playhouse, slides at swings para sa anak.

Wala namang mapaglagyan ng tuwa si Summer matapos makita ang sorpresa ng daddy niya! Excited na ito na makapaglaro sa playground nila na punong-puno ng mga toys. Tuwang-tuwa rin si LJ, dahil sa wakas ay makakapaglaro na si Summer nang hindi lumalabas sa bahay nila.

Maraming netizens naman ang talagang naantig rin sa sorpresang ito ni Paolo. Patunay lang ito na kahit ano ay gagawin ng isang ama para lamang mapasaya ang anak niya!

Read also: Team Kramer, Sinurpresa ang Kanilang Loyal na Kasambahay na si yaya Joy at Ipinagawa ang Barong-Barong na Bahay

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

The post Paolo Contis, Sinorpresa ang Anak na si Summer Matapos Magpagawa ng Playground sa Loob Mismo ng Bakuran Nila appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments