Celebrity Basurero: Mangangalakal, Napagkamalang Hollywood Actor Matapos Dumaan sa Nakakagulat na Transformation

Sabi nga nila, wag mong huhusgahan ang isang tao base lamang sa panlabas na anyo nito. Hindi masusukat ang panloob na ugali ng isang tao dahil lamang sa panlabas na kaanyuan niya. Kaya naman maraming tao ang nagulat sa malaking transformation ng isang mangangalakal na ito. Kung dati ay tila taong-grasa lamang ang tingin sa kanya, ngayon ay mala-artista na!

Sanay na ang mga residente ng Angeles City, Pampanga, ang makita si Dennis Pascual sa lansangan. Madalas itong nagiikot-ikot upang mangalakal ng mga pwedeng maibenta.

Dahil dito, araw-araw ay madumi ang damit ni Dennis at tila ba wala na rin itong oras para mag-ayos gawa na rin ng kanyang hanapbuhay.

Read also: Isang OFW ang Nakakita ngLimpak Limpak na Salapi Habang Naglilinis Ngunit Laking Gulat ng Kanyang Amo sa Ginawa nyang Ito

Ngunit sa kabila ng lahat, nakita ng makeup artist na si Richard Strandz ang potensyal ni Dennis. Ayon kay Strandz, nag-offer siya na ayusan si Dennis upang maging subject sa isang photoshoot. Pumayag naman ang lalaki, at upang mas maging presentable ay ginupitan nila ito.

“Talagang ang plano namin is gupit lang, mabigyan ko siya ng konting pera na maiabot ko sa kanya. Tapos nung photoshoot namin, parang nage-enjoy naman siya. Gusto daw niya magkaroon ng picture, tapos kahit sa mga magazine daw, o kaya yung mga picture na nakadikit sa mga truck.”

Sa kanilang photoshoot, nakitaan niya ng potensyal si Dennis. Talagang nag-enjoy daw ito, lalo pa’t ngayon lang siya nakaranas ng pictorial sa buhay niya.

Tuwang-tuwa rin si Strandz sa naging resulta ng photoshoot nila, kaya ibinahagi niya ang malaking transformation ni Dennis sa social media.

Maraming netizens ang napa-wow matapos makita ang malaking pagbabago ni Dennis! Sa kanyang mga larawan, hindi mo aakalain na iisang tao lamang ito. Sa katunayan, maraming tao rin ang nagkumpara kay Dennis sa mga sikat na Hollywood stars dahil sa porma at sa postura nito.

Ayon naman kay Strandz ay tuloy-tuloy pa rin ang tulong na ibibigay niya sa mangangalakal. Inenroll niya rin si Dennis sa isang gym membership upang mapangalagaan nito ang katawan nito.

Read also: Team Kramer, Sinurpresa ang Kanilang Loyal na Kasambahay na si yaya Joy at Ipinagawa ang Barong-Barong na Bahay

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

The post Celebrity Basurero: Mangangalakal, Napagkamalang Hollywood Actor Matapos Dumaan sa Nakakagulat na Transformation appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments