Ayon sa kasabihan, edukasyon lamang ang maipapamana sayo ng iyong mga magulang na hindi maaangkin ng sinoman. Dahil dito, kahit gaano kahirap ang buhay, pilit na nagbabanat ng buto ang ating mga nanay at tatay para lamang mapagtapos tayo ng pag-aaral. Wala silang hinihiling na kapalit kundi ang makitang matagumpay ang kanilang mga anak.
Bilang ganti sa mga sakripisyo at kasipagan ng magulang natin, nararapat lamang na mag-aral tayo ng mabuti.
Masusuklian ang mga paghihirap nila kapag dumating ang araw na tayo ay magtatapos, gaya na lamang ng nangyari sa batang ito at sa magulang niya!
Usap-usapan ngayon sa social media ang nakaka-inspire na kwento ni Jhonrick Orense. Katulad ng karamihan sa atin, pinanganak sa isang mahirap na pamilya si Jhonrick. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang maabot niya ang kanyang mga pangarap.
Dahil sa hirap ng buhay, parehong hindi nakapagtapos ang mga magulang ni Jhonrick. Ang nanay niya ay namasukan bilang isang kasambahay, samantalang nagtatrabaho naman bilang tanod ang tatay niya.
Nagpupursigi sila upang matustusan ang pangangailangan ng mga anak nila at ang pag-aaral ni Jhonrick. Sa kabila ng kahirapan, nagpursigi rin si Jhonrick na mairaos ang pag-aaral niya.
Noong una’y itinago niya pa ito sa kanyang mga magulang, ngunit nalaman rin nila ito. Sa pagtungtong niya sa kolehiyo, kung ano anong raket din ang pinasok ni Jhonrick bilang pandagdag sa panggastos niya.
“I finished my college kasi ayoko nang maulit yung mga moment na walang laman ‘yung bigasan namin. Asin ‘yung ulam ni tatay at baon niya sa trabaho tapos si inay kamatis lang at kape,” pahayag ni Jhonrick.
Nagbunga naman ang mga sakripisyo niya. Nagtapos si Jhonrick sa kolehiyo sa kursong Journalism at nagkaroon pa ng award bilang cum laude! Nangako rin siya na ibabalik niya naman ang lahat ng mga sakripisyo at pagtyatyaga ng kanyang nanay at tatay.
Maraming netizens ang na-inspire sa kwentong ito ni Jhonrick. Pinatunayan lang niya na hindi hadlang ang kahirapan upang maabot mo ang iyong pangarap. Dahil kung magsisipag ka lang, siguradong makakagawa ka ng paraan!
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.
The post Proud na Anak ng Kasambahay at Tanod, Nagtapos sa Kolehiyo Bilang Cum Laude! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments