Lalaki, sa Ilalim na Lamang ng Bato Natutulog at Namumulot Lamang ng Basura para Mabuhay

Maraming netizens ang nahabag sa kaawa-awang kalagayan ng lalaking ito mula sa Negros Occidental. Isang concerned citizen ang nagbahagi ng kwento ni Randy, isang resident ng Brgy. Minapasok, Calatrava, na nakatira na lamang sa ilalim ng bato! Ayon sa mga residente, walang pamilya ang lalaki, kaya naman wala na ring nag-aasikaso dito upang magkaroon siya ng maayos na tahanan.

Dahil wala bahay at walang pamilyang matirahan, napilitan si Randy na manirahan na lamang sa kagubatan. Nakahanap siya ng pansamantalang tirahan sa isang malaking bato.

Tuwing matutulog siya, upang maprotektahan ang sarili niya laban sa mga hayop, sumisiksik si Randy sa ilalim ng bato na nagmistulang kabaong sa sikip at dilim.

Read also: Isang OFW ang Nakakita ngLimpak Limpak na Salapi Habang Naglilinis Ngunit Laking Gulat ng Kanyang Amo sa Ginawa nyang Ito

Hindi madali ang naging pamumuhay ni Randy. Dahil walang trabaho, naghahanap na lamang siya ng makakain sa mga basurahan.

Paminsan-minsan naman ay mayroon daw mga nagmamagandang-loob na nag-iiwan ng pagkain sa kanya. Ngunit dahil sa patung-patong na problema niya sa buhay, unti-unti na ring bumibigay ang katinuan ni Randy.

Ayon sa concerned citizen, halos hindi na siya makausap ng maayos dahil halos panawan na ng bait ang kaawa-awang lalaking ito.

Ayon din sa mga residente na nakausap nila, tuwing makikita nila si Randy ay tila kinakausap nito ang sarili nito at laging bumubulong. Malinaw na bukod sa maayos na tahanan, kailangan din nito ng propesyonal na tulong.

“Pinuntahan namin yung lugar kasi sabi ng naunang pumunta doon ay ayaw daw lumabas ni Kuya Randy, kasi sadyang mahiyain po siya pag may maraming tao. Kaya nagdesisyon kami na pumunta at kinausap ko siya na lumabas kahit saglit kasi may sasabihin at makikipag-usap kami sa kanya. Thank God lumabas siya.”

Upang makatulong, nag-iwan ang concerned citizen ng ilang bag ng groceries para kay Randy. Ngunit dahil walang mapaglagyan sa tinutulugan nito, iniwan nila ang mga supplies sa mga day care worker.

Nangako naman ang mga ito na araw-araw bibisitahin si Randy at ibibigay ang mga pagkain at inumin nito. Maraming netizens din ang nanawagan sa tulong ng local government unit upang maabutan ng assistance si Randy.

Read also: Team Kramer, Sinurpresa ang Kanilang Loyal na Kasambahay na si yaya Joy at Ipinagawa ang Barong-Barong na Bahay

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

The post Lalaki, sa Ilalim na Lamang ng Bato Natutulog at Namumulot Lamang ng Basura para Mabuhay appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments