Masipag na Mag-Aaral, Pumapasok pa rin sa Eskwela Kahit na Dilis at Kamote Lamang ang Baon

Sa iba’t-ibang probinsya, maraming pamilyang Pilipino pa rin ang naghihikahos sa buhay. Ngunit sa kabila ng kahirapan, patuloy pa rin tayong kumakayod para makaraos sa araw-araw. At kahit pa salat sa yaman, sagana naman sa pangarap at pag-asa ang karamihan sa mga kabataan. Isa na sa kanila ay ang batang babae na ito na kamakailan lang ay nag-viral sa social media.

Maraming netizens ang naantig sa nakaka-inspire na kwento ng batang ito mula sa Zamboanga del Sur. Ibinahagi ng guro na si Almera Maquintura Bagares ang kwento ng kanyang estudyante. Ayon kay Ma’am Bagares, isa sa mga natatanging mag-aaral niya ay si Cristine Nonan.

Read also: Celebrity Basurero: Mangangalakal, Napagkamalang Hollywood Actor Matapos Dumaan sa Nakakagulat na Transformation

Ipinanganak sa mahirap na pamilya si Cristine sa Busol, Tigbao, Zamboanga del Sur. Sa kabila ng kanilang gipit na pamumuhay, pursigido ang mga magulang ni Cristine na igapang ang pag-aaral niya. Sinusuklian naman ni Cristine ng kasipagan ang mga sakripisyo ng kaniyang magulang.

Kaya naman kahit walang baon o bagong gamit ay matyagang pumapasok si Cristine araw-araw. Ayon sa guro ni Cristine, madalas itong pumasok sa eskwela ng walang baon o pera. Minsan naman daw ay kumakain ito ng ilang pirasong tuyo at kamote upang maipangtawid gutom.

Ayon sa guro, parehong magsasaka ang mga magulang ni Cristine. Ngunit hindi rin sasapat ang mga kinikita nila dahil hindi sa nila pagmamay-ari ang lupa na sinasaka nila. Ngunit sa kabila ng kahirapan, nagsisipag pa rin silang mairaos ang pag-aaral ng kanilang anak na si Cristine.

Dahil dito, maraming netizens ang nag-offer na tulungan ang masipag na estudyanteng ito. Sa social media, bumaha ang tulong at suporta para kay Cristine at sa kanyang pamilya. Maraming netizens din ang sumaludo sa kasipagan ng estudyante na ito.

Read also: Proud na Anak ng Kasambahay at Tanod, Nagtapos sa Kolehiyo Bilang Cum Laude!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

 

The post Masipag na Mag-Aaral, Pumapasok pa rin sa Eskwela Kahit na Dilis at Kamote Lamang ang Baon appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments