Emosyonal na ‘Closure’ ni Julia Barreto at Joshua Garcia sa ‘Paubaya’ Music Video, Umani ng Reaksyon sa mga Netizens!

Isa sa mga pinakasikat na love teams sa Kapamilya network ay ang JoshLia. Sa loob ng ilang taon, pinakilig ni Julia Barretto at ni Joshua Garcia ang kanyang mga fans. Mula sa pagigin on-screen lovers ay natuloy rin sa totoong relasyon ang love team nila. Maraming fans ang nag-eexpect na tatagal ang love team ng dalawa, ngunit hindi nagtagal ay nabuwag rin ito.

Nitong 2019 lamang ay ibinahagi ng JoshLia na naghiwaly na sila, at balak nilang tahakin ang career nila ng magkahiwalay. Nang mga panahong ito ay na-link rin si Julia sa aktor na si Gerald Anderon, ngunit hindi nilinaw ng dalawa kung ito ba ang dahilan ng hiwalayan nila.

Read also: Super Tekla, Proud na Ipinasilip ang Bonggang Dream House na Bunga ng Kanyang Pagsisikap sa Showbiz

Kamakailan naman ay ibinigay na ng JoshLia ang hinahanap na ‘closure’ ng mga fans. Lumabas si Julia at Joshua sa latest music video ng kanta ni Moira a “Paubaya.” Sa nakakalungkot na music video, mukhang nagkaroon na ng closure ang matagal na hiwalayan ng dalawa.

“Sorry, sorry if I wasn’t there in those times when you needed me. Sorry if I wasnt’ there when you needed someone to hold on, sorry if I didn’t protect you. I was so scared, but I want to be there. I want to be there when you are hurt. But maybe nothing because I also know we are not really meant for each other,” pahayag ni Joshua.

Emosyonal rin si Julia habang binabanggit ang mga bagay na matagal na niyang nais iparating sa kanyang ex-boyfriend. Ayon kay Julia, sinubukuan nilang ilaban ang kanilang relasyon, ngunit mukhang hindi talaga sila para sa isa’t-isa.

“I’m sorry, I’m sorry Josh. I’m sorry I got tired. I’m sorry, I got lost. I got scared because I couldn’t find you before, I gave everything. I gave you everything, I just ran out. I’m sorry I hurt you. We tried right, we fought for it right?”

Agad namang nag-viral sa social media ang nakakaluhang mmusic video na ito. Ayon sa iba, mukhang wala na talagang pag-asa na magkakabalikan ang dalawa matapos ang maramdaming ‘goodbye’ scene nila. Sa ending credits, nalaman na si Julia at Joshua mismo ang nagsulat ng script nila.

Read also: Matteo, May Sweet na Mensahe sa Misis na si Sarah sa Nalalapit Nilang Wedding Anniversary

Ano ang masasabi niyo sa latest mmusic video na ito ni Moira? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

The post Emosyonal na ‘Closure’ ni Julia Barreto at Joshua Garcia sa ‘Paubaya’ Music Video, Umani ng Reaksyon sa mga Netizens! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments