Pari na Gumanap sa Music Video ng ‘Paubaya,’ Ibinuking ang Nakakaiyak na Kaganapan Habang Nagte-Taping Sila

Hanggang ngayon, hindi pa rin maka move on ang mga netizens sa bagong music video ni Moira na “Paubaya.” Sa video na ito, tampok si Julia Barretto at Joshua Garcia, na mas kilala sa kanilang dating tambalan bilang ‘JoshLia.’ Sa music video ay gumanap bilang magkasintahan si Joshua at Julia, ngunit tulad ng nangyari sa kanilang relasyon, hindi sila itinadhana sa isa’t-isa kaya’t naghiwalay rin sila.

Inilabas ang music video na ito noong araw ng mga puso, February 14. Kaya naman maraming fans ang talagang nalungkot matapos mapanood ito.

Mukhang hango ito sa totoong karanasan ni Julia at Joshua, dahil tagos rin sa feelings ang kanilang emosyonal dialogue sa isa’t isa habang nakaharap sa altar.

Read also: Magsasaka, Nakatanggap ng Bonggang Flower Bouquet na May 200K na Ibinili naman nya ng Traktora

Isang cast naman ng music video ang nagbahagi ng kanyang karanasan sa shooting. Ayon kay Donald Lapez, siya ang gumanap bilang pari sa kasalang hindi natuloy ng JoshLia. At bilang miyembro ng cast, nasaksihan niya rin ng malapitan ang dalawa habang nagte-taping para sa music video.

Ayon kay Lapez, ang confrontation scene ni Julia at Joshua sa harap ng altar ay ginawang exclusive ng direktor. Upang ma-kondisyon ang dalawang aktor, mas minabuti ng direktor at ng singer na si Moira na palabasin ang lahat ng mga staff at crew. Sa huli, ang natira na lamang daw sa loob ng silid ay si Julia, Joshua, Moira, ang direktor, at ang cameraman.

“Bilang gumanap na pari sa music video na ito, kahit ako naiyak. I didn’t know na ganun na pala nangyayari sa loob kasi after ng take ko bilang pari sa music video biglang pinalabas kami lahat. At sila Moira, Julia, Josh, at direktor at camera man lang ang nasa loob,” komento ni Lapez sa music video sa Youtube.

Ginawa raw ito upang mas maging maayos ang pag-acting ng dalawa, dahil feeling nila ay silang dalawa lamang ang magkausap.

Agad namang nag-viral sa social media ang rebelasyon ng cast na ito. Ayon pa sa ibang netizens, mukhang ito na talaga ang closure ng JoshLia matapos silang maghiwalay noong 2019.

Read also: Masipag na Mag-Aaral, Pumapasok pa rin sa Eskwela Kahit na Dilis at Kamote Lamang ang Baon

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

The post Pari na Gumanap sa Music Video ng ‘Paubaya,’ Ibinuking ang Nakakaiyak na Kaganapan Habang Nagte-Taping Sila appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments