Baeby Baste, Napaiyak sa Video Call Dahil Labis na Raw na Namimiss si Bossing Vic sa Eat Bulaga

Eat Bulaga ang itinuturing na longest-running noontime show sa buong bansa. Talagang hindi nga naman kumpleto ang tanghalian kung hindi natin mapapanood ang programang ito. Sa araw araw na pagtangkilik ng mga viewers, agad rin silang napamahal sa mga hosts. Isa sa mga pinakacute na host ng programang ito ay ang child star na si Baste.

Si Baby Baste, o mas kilala bilang Sebastian Benedict, ay kabilang sa mga cute na child stars na nagho-host sa “Eat Bulaga.” Sa kanyang murang edad, kitang kita na ang pontensyal ni Baste sa pag-aartista! Siguradong manggigigil ka sa kacute-an ng batang ito pag napanood mo na siya sa TV.

Read also: Pari na Gumanap sa Music Video ng ‘Paubaya,’ Ibinuking ang Nakakaiyak na Kaganapan Habang Nagte-Taping Sila

Ilang taon na ring lumalabas sa noontime show si Baby Baste. Dahil dito, hindi na rin nakakapagtaka kung bakit napalapit na siya sa mga kapwa niya hosts.

Isa si Bossing Vic Sotto sa mga kinagigiliwan na host ni Baste, kaya naman nang pansamantalang nawala si Vic sa programa, talagang nalungkot ang child actor.

Kamakailan lang ay nagbahagi si Baste ng video na social media na talaga namang nagpatunaw sa puso ng mga netizens.Sa kanyang video, ipinamalas ni Baste ang kanyang kalungkutan dahil matagal na daw niyang hindi nakikita si Bossing Vic. Gayunpaman, nag-uusap pa rin ang dalawa sa tulong ng social media.

Sa katunayan, nag-video call pa nga si Baste upang makausap at makamusta rin ang anak ni Bossing Vic at ni Pauleen Luna na si Baby Talitha. Maging si Pauleen ay talagang nacute-an kay Baste, lalo pa’t nang maging emosyonal ito ng malapit ng matapos ang kanilang video call.

Samantala, nitong nakaraan lamang ay ipinagdiwang ni Vic at Pauleen ang kanilang 5th wedding anniversary. Sa Instagram, nag-dedicate din ng nakakakilig na mensahe at mga larawan ang aktres sa kanyang asawa upang gunitain ang espesyal na okasyong ito.

Read also: Magsasaka, Nakatanggap ng Bonggang Flower Bouquet na May 200K na Ibinili naman nya ng Traktora

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Baste (@iambaebybaste)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Baste (@iambaebybaste)

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

The post Baeby Baste, Napaiyak sa Video Call Dahil Labis na Raw na Namimiss si Bossing Vic sa Eat Bulaga appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments