Protective Daddy! Zoren Legaspi, Nag-React Matapos Padalhan ni Darren ng Bulaklak ang Unica Hija Niyang si Cassy

Hindi maiiwasang maging protective ng mga ama sa kanilang mga anak, lalong-lalo na kung babae ito. Para sa mga tatay, mananatiling baby girl ang kanilang anak, kaya naman ayaw nilang may nanliligaw dito! Ngunit sadyang napakabilis ng panahon, at hindi na nila namamalayan na lumalaki at nagdadalaga na rin ang kanilang mga anak.

Ganito rin ang karanasan ni Zoren Legaspi at Carmina Villaroel. Napakabilis ng panahon dahil dalagito at dalagita na ang kambal na anak ni Zoren at Carmina! Sa katunayan, ayon sa mga bali-balita, mukhang mayroon na ring manliligaw na umaali-aligid sa unica hija ng mga Legaspi na si Cassy.

Read also: Masipag na Mag-Aaral, Pumapasok pa rin sa Eskwela Kahit na Dilis at Kamote Lamang ang Baon

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Cassy na mayroong nagsurprise sa kanya noong Valentine’s day. Pinadalahan siya ng bouquet ng singer na si Darren Espanto. Labis naman ang kilig ng dalaga, ngunit sa kanyang nagdaang interview, iginiit ni Cassy na sa ngayon ay malapit na magkaibigan lang sila ni Darren.

Bukod sa flowers, nagpadala rin ng boxes of pizza si Darren para sa pamilya ni Cassy. Gayunpaman, hindi pa rin mapigilang malungkot ni Zoren dahil nangangahulugan nga ito na dalaga na ang kanyang anak.

Sa IG story ni Cassy, makikitang masaya ang kanyang mommy at si Mavy habang hindi naman nakatingin sa camera ang kanyang daddy.

Matagal ng napapabalita na mayroong namamagitan kay Darren at Cassy. Madalas ring nakikita ang dalawa na magkasama sa publiko, kung kaya’t umugong ang bali-balitang may namumuong pagtitinginan sa dalawa. Sa kabila ng lahat, mukhang hindi pa ready si Cassy na sumabak sa seryosong relasyon.

Sa kabilang banda, dati na ring natanong si Darren kung dine-date niya ba si Cassy. Sa kanyang interview kay Boy Abunda, idineny ni Darren na mayroong namamagitan sa kanila.

Read also: Magsasaka, Nakatanggap ng Bonggang Flower Bouquet na May 200K na Ibinili naman nya ng Traktora

 

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

The post Protective Daddy! Zoren Legaspi, Nag-React Matapos Padalhan ni Darren ng Bulaklak ang Unica Hija Niyang si Cassy appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments