Isa si Toni Gonzaga sa mga respetadong aktres sa larangan ng showbiz. Sa kanyang dalawang dekada sa industriya, pinatunayan ni Toni ang kanyang galing sa larangan ng pag-arte, pagkanta, at hosting. Bukod pa sa kanyang matagumpay na career, pinagpala rin si Toni pagdating sa kanyang love life! Noong 2015 ay ikinasal si Toni kay Direk Paul Soriano.
Bago pa man ang kanilang kasal, ilang taon na ring naging magkasintahan ang dalawa. Ayon pa kay Toni, dati pa man ay alam na niyang si Direk Paul ang natatangi para sa kanya. Nabiyayaan rin ng isang anak ang celebrity couple, si Seve na kamakailan lamang ay nag-celebrate ng kanyang 4th birthday.
Sa isang interview kay Boy Abunda, nag-open up si Toni tungkol sa buhay-mag asawa nila ni Paul. Ayon kay Toni, mas lumalim na ang pagtitinginan nilang dalawa matapos ang limang taong pagsasama. Mas nakilala rin nila ang isa’t-isa matapos silang magsama sa iisang bubong bilang mag-asawa.
Sa kabila ng lahat, aminado naman si Toni na hindi na rin siya masyadong kinikilig kay Direk Paul. Nang tanungin ni Tito Boy kung bakit, inamin ni Toni na mas tumaas ang respeto niya sa kanyang asawa, “Hindi na ako kinikilig kay Paul, eh. Mas mataas ‘yung admiration and respect ko sa kanya after four years.”
Read also: Karen Reyes, Umamin na! Bakit Kaya Itinago ng Matagal ang Dalawang Anak Nila ni Sarkie Sarangay?
Dahil dito, hindi na nakapagtataka kung bakit maraming fans ang talagang namamangha sa pagsasama nila! Bukod sa pagiging mabuting magulang kay Seve, hindi rin maipagkakaila na maayos ang buhay mag-asawa ni Toni at Paul. Sa katunayan, hindi rin sila nasasangkot sa mga kontrobersya.
Kaya naman maraming fans ang laging nakasubaybay sa kanilang buhay. Marami rin ang laging nag-aabang ng mga updates ni Toni sa kanyang Youtube channel, kung saan ipinasilip niya ang kanilang buhay pamilya.
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.
The post Matapos ang Apat na Taong Pagsasama, Toni, Aminadong Hindi na Kinikilig kay Direk Paul appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments