Payag ka bang imbitahin ang ex mo sa iyong kasal? Para sa karamihan, talaga nga namang awkward kung dadalo ang ex mo sa iyong espesyal na araw, lalo na kung may feelings pa rin kayo sa isa’t-isa. Kaya naman para sa karamihan, hindi dapat iniimbita ang ex-partner sa kasalan. Maaari ring makaramdam ng selos ang iyong partner kung makikita niya ang dati mong nobyo.
Sa pag-iisang dibdib, asahan mong bride at groom lamang ang nasa altar kasama ang pari na magbabasbas sa kanila. Ngunit kakaiba ang nangyari sa kasalan ng couple na ito! Hindi lang basta basta imbitado, kundi mayroon pang espesyal na partisipasyon ang ex ng bride sa kanilang ceremony.
Read also: Matapos ang Apat na Taong Pagsasama, Toni, Aminadong Hindi na Kinikilig kay Direk Paul
Pinag-uusapan ngayon sa social media ang kakaibang ganap sa kasalang ito. Dumalo sa nasabing kasalan ang ex-boyfriend ng bride. Ngunit hindi naman siya tumutol sa kasalan, sa halip ay masaya pa siya para sa kanyang ex at sa bagong asawa nito. Ngunit may ginawa ang lalaki na talaga namang kinagulat ng lahat!
Nang malapit ng magpalitan ng vows ang mag-asawa ay bigla na lamang umakyat sa altar ang ex-boyfriend. Sandali nitong kinausap ang groom.
Ayon sa mga bisita, humingi ito ng permiso mula sa groom upang makamayan sa huling pagkakataon ang kanyang bride. Sa pagkagulat ng lahat, pumayag naman ang groom na hiling nito.
Ngunit tila hindi nakuntento ang bride sa pakikipagkamay lang. Tumingin siya sa kanyang partner at tinanong kung maaari niya bang yakapin ang ex niya. Pumayag naman ito, kaya nagyakapan sila sandali. Pagkatapos nito, kinamayan rin ng ex ang groom at niyakap ito.
Maraming netizens ang nagulat sa naganap sa kasalang ito. Siguradong iilang tao lamang ang may kayang gawin ang bagay na ito sa araw mismo ng kanilang kasal. Dahil dito, agad namang nag-viral ang TikTok video at umani ng iba’t-ibang reaksyon sa mga netizens.
Read also: Carmina Villaroel, Ikinumpara si Julia Montes sa Bastos na Aktres na Nakatrabaho Niya
@mayangkumay Balas @nikennalee well netizen yg terhormat semua bebas berpendapat dipersilahkan #fyp
Ikaw, kaya mo rin bang gawin ito sa iyong kasal? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.
The post Groom, Laking Gulat Matapos Yakapin ng Bride Niya ang Ex-Boyfriend Nito sa Harap Mismo ng Altar! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments