Sa panahon ngayon, marami na ang nagsusulputang mga bagong artista sa industriya ng showbiz. Gayunpaman, nananatili pa ring sikat at respetado ang mga beteranong celebrities na minahal na ng publiko. Ngunit paminsan-minsan, hindi maiiwasang mayroong generational gap ang mga artista ngayon. Ayon sa ibang beteranong artista, may mga batang celebrities na tila ba walang respeto sa mas matatandang artista.
Kamakailan lang ay nag-open up si Carmina Villaroel tungkol sa isang bastos na celebrity na naka-encounter niya. Ayon kay Carmina, sa lahat ng pagkakataon ay mahalaga ang pagkakaroon ng respeto sa mga nakaka-katrabaho mo sa set. Ngunit ang isang baguhang aktres na ito ay tila wala raw pakisama sa ibang mga artista.
Ayon kay Carmina, kahit simpleng pagbati man lang ay hindi nagawa ng baguhang artista sa ibang tao na kanilang taping noong araw na iyon.
Kaya naman tumatak ito sa isip ng beteranong aktres. Sa mga susunod na proyekto, iiwasan nang makatrabaho ni Carmina ang nasabing aktres.
“Hindi ko talaga masyadong gusto yung pagiging disrespectful. I’m not saying na when you see me, you have to kiss me, but just acknowledge my presence. ‘Hello po, Miss Carmina. Ako po si Ganito.’ Or kahit from afar, ‘Hello!’ Hindi ko sinasabing mag-kiss ka sa akin. But just acknowledge that I’m there na hindi naman ako parang hangin, na parang hindi mo ako nakikita.”
Hindi pinangalanan ni Carmina ang celebrity, pero ayon sa kanya, ayaw na niyang makatrabaho ito. Nagbigay rin siya ng payo sa mga batang artista.
Ayon kay Carmina, mas malayo ang mararating mo kung marunong kang makisama sa mga tao na nakakasalamuha mo, lalo na sa mga taping at set.
“I did not confront that artistang girl. Again, hindi ko siya kinonfront. Parang medyo pinangako ko sa sarili ko na ayoko siyang makatrabaho, kasi medyo disrespectful siya. Dahil hindi siya marunong bumati,” pahayag ng aktres.
Ikinumpara niya rin si Julia Montes sa inasal ng bastos na aktres na nakasalamuha niya. Ayon kay Carmina, napakabait na bata ni Julia, at ito mismo ang lalapit sa ibang tao upang bumati. Dahil dito, tumatak sa isipan ni Carmina kung anong klaseng tao at artista si Julia.
Read also: Marlou, Nagmakaaawa sa Social Media Para Makabili ng Gaming PC, Pero Na Realtalk ni Eruption Tai!
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.
The post Carmina Villaroel, Ibinunyag ang Dahilan Kung Bakit Ayaw nyang Makatrabaho si Julia Montes appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments